Chapter Three

5 4 0
                                    

Ella

"Ano 'to?" Tanong ng halimaw na prinsipe. Kanina pa niya tinititigan yung pagkaing nakahain sa kaniya. Patapos na ako pero pa rin niya ginagalaw hapunan niya.

"Isa pong Pot-au-feu (beef stew), mahal na prinsipe." Paliwanag ni mama sa kaniya.

Gumuhit sa mukha ng halimaw ang pandidiri. Bigla naman akong nakaramdam ng inis sa ipinapakita niya. Gusto ko tuloy siyang tusukin ng tinidor na hawak ko.

Ilang araw na ang pananatili niya rito at sa tuwing kakain na kami, madalas niyang tinatanong kung ano ang aming inihahain na pagkain sa kaniya. Parang pinaghihinalaan kami na baka lasunin siya.

Siguro sila mama, hindi. Ako, oo.

"Ito lang ba ang ipapakain mo sa akin? Ni hindi man lang mukhang pagkain."

"Pero ayan lang po yung kaya naming maibigay sa'yo." Sagot ni mama.

"Hindi ko ito gusto. Ayoko. Bumili kayo o magluto kayo ng bago. Basta wag lang 'to." Ano nanaman ba yung idadahilan ng lalaking 'to?

"Pero baka wala nang mapagbilhan ng pagkain. Gabi na kasi, mahal na prinsipe. Kumain ka man lang kahit kakaunti lang."

"Ipipilit ba talaga ninyo sakin?"

Napatikom ng bibig si mama. Sobrang lamig na ng tingin niya sa amin na dahil sa sobrang inis niya.

Siya pa talaga yung may ganang mapikon. Idukdok ko siya sa mesa e.

"Matutulog na ako." Wika ni Adriel at saka umakyat sa kwarto niya. Nakita ko naman yung paghinga ng malalim ni papa.

Ilang araw pa lang dito si Adriel pero ang hirap pa rin niyang pakisamahan at pagsabihan.

Naalala ko noong nakaraang araw noong hindi rin siya kumain ng hapunan. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin ngunit sa tuwing may gulay ang pagkain, hindi niya ito kinakain. Parang engot talaga.

"Hindi ba natin siya pwedeng ibalik sa palasyo? Mukhang siya rin naman mismo ang hindi interesado makisama." Tanong ko kila mama.

"Hindi natin pwedeng gawin iyon, Ella. Kailangan nating sundin ang naatasang utos sa satin. Responsibilidad natin ngayon ang prinsipe."

Hindi ko talaga makuha yung iniisip nila mama at bakit hindi nila matanggihan ang hari. Wala naman silang natanggap na pera. Wala naman silang hininging kapalit. Para kaming nag aalaga ng pasaway na bata.

"Gusto namin siyang masanay sa ganitong pamumuhay. Hanggat hindi niya nakikita at nararanasan ang ganitong buhay, hindi niya malalaman ang gagawin niya kung siya na ang mamumuno sa kaharian."

"Ibig sabihin po ba, ganito rin po ba yung ginawa noon ng Roi Julius noong Prince palang siya? Lumabas din po ba siya ng palasyo?" Tanong ko.

"Hindi na kinakailangang lumabas pa ni Haring Julius sapagkat agad napasa ang korona sa kaniya. Siya ang pinakabatang naging hari sa buong kasaysayan ng Carreaux. Ngunit sa kabila nito, napatunayan niyang karapat dapat siya sa trono." Sagot ni papa.

Napatango na lamang ako sa sinabi ni papa. Alam kong magaling ang hari namin, ngunit hindi isang matalinong desisyon ang pagpapatapon niya sa anak niya dito.

Hindi pa rin bumababa si Adriel kahit na tapos na kaming kumain nila mama. Kasalukuyan akong nag huhugas ng pinggan nang maisipan kong yayain si Adriel bumaba at kumain. Hindi ko huhugasan ang pinggan niya paghuli na siyang kumain. Hindi niya ako utusan.

Umakyat ako papunta sa ikalawang palapag. Kung sinuswerte nga naman ako at kaharap ko pa ng kwarto yung halimaw. Madalas ko pang marinig yung mga pagdadabog niya sa gabi. Sobrang ingay niya at halatang nagwawala siya sa kwarto niya pag mag-isa.

Waiting For AdrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon