Third Person Point of View
Madaling araw na ngunit hindi pa rin nakakatulog si Ella. Kanina pa siya ginugulo at hindi pinapatulog ng kaniyang isipan dahil sa nasaksihan niyang pangyayari sa ekskinita.
Muntik na siyang ibenta. Muntik na siyang halayin. Muntikan na siyang mapabilang sa koleksyon ni reyna Ravenne.
Ngunit ganun pa man, hindi siya nag sabi sa kaniyang mga magulang at tahimik lang na pumasok sa bahay na parang walang nangyari. Na para bang walang lumabas ng bahay.
Sa oras na malaman ng kaniyang mga magulang ang nangyari, siguradong hindi nila ito magugustuhan.
Wala sa sarili niyang hinawakan ang kaniyang leeg. Naalala nanaman niya ang ginawa ng lalaki sa kaniya. Hindi niya makakalimutan ang pangyayari kanina sa eskenita. Pakiramdaman niya sobrang hina niya. Wala man lang siyang magawa kanina para makatakas sa kamay ng lalaking iyon.
Hindi niya napigilang hindi tumulo ang mga luha niya."Mukhang mahabang gabi ito." Bulong ni Ella sa kaniyang sarili at nag talukbong ng kumot.
Sa tuwing ipinipikit niya ang kaniyang mga mata, tanging imahe lang ng dugo at kutsiyo ang nakikita niya. Natatakot siya ngunit malaki pa rin ang utang na loob niya sa prinsipe.
Ayun nga lang, sa hindi magandang paraan siya nito ipinagtanggol. O...Ang sarili niya.
"Pero kahit na...Tinulungan pa rin niya akong maglakad kanina...Kailangan ko pa ring magpasalamat." Bumangon siya sa kaniyang kama at lumabas ng kwarto. Naglakad siya papunta sa harapan ng kwarto ng prinsipe at kumatok.
"Adriel?" Tawag niya.
Wala sumasagot mula sa loob ng kwarto. Hindi nanaman napigilan ni Ella matakot dahil mukhang umulit lang muli ang nangyari kanina.
Huminga ng malalim ang dalaga at pinakalma ang sarili.
"Huminahon ka, Ella. Baka natutulog lang ang prinsipe kaya hindi ka niya naririnig."
Muling huminga ng malalim si Ella at pumikit.
"Pag umalis nanaman siya, hindi ko na siya susundan. Desisyon na niya iyon. Hindi ko na siya pipigilan." Wika niya sa sarili.
Bumaba papunta sa kusina si Ella para uminom ng tubig. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili niya para hindi na muling mag isip isip ng kung ano ano.
"Tubig lang ang katapat." Kukuha sana siya ng tubig nang mapansin niya ang isang pigura ng tao na nasa mesa.
Agad bumilis ang tibok ng kaniyang puso dahil sa takot. Hindi na niya napigilan ang sarili niyang utak at kung ano ano nang mga bagay ang pumasok sa kaniyang isipan.
Nanginginig siyang dumampot ng kutsilyo at dahan dahang naglakad papunta sa lalaki. Wala sa sariling sasaksakin ni Ella ang tao nang naramdaman ng lalaki ang presensya ni Ella kung kaya't agad nitong pinigilan ang kamay ng dalaga bago pa matarak sa kaniyang katawan ang matulis na kutsilyo.
"B-bitiwan mo ako! Bitaw!" Sigaw ni Ella at agad namang tinakpan ng lalaki ang kaniyang bibig. Dali dali nitong binuksan ang kandila na siyang nag bigay liwanag sa buong paligid.
Natauhan si Ella nang makita niyang si Adriel lang pala ang lalaki sa dilim. Kumakain ito ng tirang Pot-au-feu sa mesa.
Hindi nakapag salita si Ella dahil sa pagkabigla. Nanatili namang nakatitig si Adriel sa mukha ni Ella nang may mapansin itong luha na kumawala sa kaniyang asul na mata.
"Umiiyak ka" Wika ng prinsipe sa dalaga. Agad namang pinunasan ni Ella ang kaniyang mga luha at umiling.
"W-wala, ang akala ko ay isa kang mag nanakaw." Sagot niya at itinabi ang kutsilyo.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Kukuha lamang sana ako ng tubig. Ikaw, anong ginagawa mo dito?"
"Kumakain" Maiksing sagot ni Adriel. Ipinag patuloy niya ang pagkain habang nakatayo lamang si Ella sa gilid.
Walang sagot si Ella at tahimik na tinitignan si Adriel habang kumakain.
"Wag ko akong tititigan. Mas mauuna pa akong matunaw kesa sa kandila" Pang aasar ni Adriel kay Ella ngunit walang kibo pa din ang dalaga.
Nilingon siya ni Adriel at nakitang nasa kawalan si Ella at muling lumuluha nang hindi nito namamalayan.
Tila nawalan ng kontrol ang utak ni Adriel sa kaniyang katawan at agad agad itong tumayo at niyakap si Ella. Nagulat naman si Ella sa iniasta ng prinsipe. Hindi ito nakakibo at makagalaw.
"Huwag kang matakot, maayos na ang lahat" Bulong ni Adriel habang hinahaplos ang buhok nito. Sa isang iglap, tuluyan nang umiyak ang dalaga habang nakakapit ito sa damit ng prinsipe. Nanginginig ito sa takot at sobrang lakas ng kaniyang mga hagulgol.
Hinayaan ni Adriel umiyak sa kaniya si Ella. Nanginginig ito at sobrang bigat ng kaniyang pag iyak. Nagpakawala ng mabigat na hininga ang prinsipe sa kaniyang konklusyon na nabuo.
Hindi naman niya naisip na ganito pala ang bunga ng kaniyang mga kilos kanina.
Noong una, nagulat siya nang marinig ang sigaw ni Ella mula sa isang madilim na eskinita. Hindi siya makapaniwalang lalabas ito kahit na pasado curfew na. Nagsipag taasan ang kaniyang dugo nang pinipilit halayin ng lalaki si Ella samantalang hindi man lang makagalaw ang dalaga at tanging pag iyak na lang ang kaniyang nagagawa. Kung kaya't ginawa niya ang alam niyang tama. Nilabanan niya ang lalaki kahit na alam niyang dehado siya sapagkat maroong itong patalim. Wala naman talaga siyang balak sa lalaki. Gusto lang niya ito mapabagsak para maitakas niya si Ella. Ngunit nang malaman ng lalaki ang tunay niyang pagkatao, kailangan na niyang lumaban para sa sarili.
Prinoprotektahan lamang niya ang kaniyang sarili, sapagkat hindi maaaring lumabas sa palasyo na wala ang prinsipe sa kaniyang tahanan. At ngayong may isang taong taga labas na nakaka aalam sa impormasyon iyon, kailangan niya itong patahimikin upang hindi ito kumalat pa.
Siguradong mapapahamak siya at lalong lalo na ang pamilya Tremaine sa oras na malaman ng mga mamamayang naririto siya sapagkat may mga desperadong tao na kayang pumatay para lamang sa korona.
Sinilip niya ang mukha ng dalagang patuloy pa rin sa pag iyak. Ramdam niya ang panginginig nito dala na rin ng takot na nararamdaman niya. Tila bumigat ang pakiramdam niya dahil sa ikinikilos ng dalaga.
"Mukhang natakot ko siya." Wika niya sa kaniyang sarili habang patuloy na hinahaplos ang buhok ni Ella.
♦♦♦
BINABASA MO ANG
Waiting For Adriel
Historical FictionElla Tremaine or "Cinderella" was sent to Trefles as a thief, a criminal, and a lunatic. Hindi niya inakala na ang kaninang masayang pakikipag sayaw sa prinsipe ng Carreaux ay may kaakibat na maling paratang. As a girl with nothing but bitter sweet...