Chapter 1

40 6 24
                                    


Chapter 1 It's Over

Abigail's Point of View~

Nandito ako ngayon sa condo ni Laurence. Naghahanda ako ng Octopus bibimbap para sa kanya dahil ito ang favorite nya.

Naghahanda ako ng pagkain habang sya ay naglalaro sa mga puzzle nyang walang kwenta. Urgh! Dati pa lang ay hilig na n'yang maglaro ng mga puzzle boards. Para syang bata.

Tapos na akong maghanda ng pagkain pero hindi parin sya natatapos sa paglalaro nya. Jusko! 30 years old na sya pero asal bata parin.

"Handa na ang pagkain." Pagyayaya ko sa kanya.

Hindi man lang nya 'ko pinansin? Tss.

Tumayo ako at lumapit sa kanya na patuloy paring naglalaro. Para akong hangin dito. Nakakainis na 'tong mokong nato ah! Pinatid ko yung mga puzzle pieces na ikinakunot ng kilay nya.

"Bat mo pinatid?" Naiinis na sambit nya sabay kuha sa mga napalayong pieces. "Kailangan ko lahat ng parts nito." Dugtong pa nya.

Napairap nalang ako sa ina-asta nya. Kala mo mamatay sya kapag nawala yung laruan nya. Bumalik na ako sa hapag kainan. Sumubo ako ng pagkain at nagparinig.

"Hmmm... Ang sarap." Pagpaparinig ko ngunit para s'yang bingi na hindi man lang ako binalingan ng tingin.

Arghh.

Nakakainis ka na Laurence.

Siguro iniisip nyo nang para akong kalabaw na umuusok ang ilong dahil sa inis. Siguro nga ganun.

Relax Abi. Relax.

"Kamusta nga pala yung mga kliyente nyo?" Kalmadong tanong ko. Sumubo ako habang naghihintay ng isasagot nya ngunit bigo ako.

Kumukulo na talaga ang dugo ko sa lalaking 'to. Parang hindi nya alam ang salitang MATURITY.

"Kakain ka ba o wawasakin ko 'yang laruan mo?" Sambit ko na nakataas ang kilay.

Lumingon ito ngunit ibinalik lang din ang tingin sa kanyang laruan. Maya-maya'y lumingon sya.

"Magiging busy ako sa mga darating na buwan dahil sa mga bagong kliyente." Sagot nya sa mas nauna kong tanong.

Tumayo ito at lumapit sa table.

"'Wag na nating pag-usapan, pagod ako." Wika nya ng walang emosyon.

Tss. Napagod ka? Saan? Sa laro mo?

"You've changed." Sambit ko ng nakabusangot.

Napatingin sya sakin na nakakunot ang noo. Gusto kong magtampo.

"Dati, kahit pagod na pagod ka nagagawa mo paring ngumiti sakin pero ngayun, nanlamig na yung trato mo sakin." Dugtong ko.

Nalulungkot akong isipin ang mga 'yun. Nasasaktan ako pero 'yun yung totoo. Para na akong yelo dahil sa lamig na pinaparamdam sakin.

Hindi sya umimik at patuloy na kumain.

Pumasok sa isip ko ang aming kasal. Gusto kong magsalita tungkol 'dun pero natatakot ako, baka saan na naman mapunta ang usapang 'to. Natatakot ako na baka may irarason na naman sya.

Hay.

"Kailan ba talaga tayo magpapaksal Laurence? It's been seven years. SE.VEN.YEARS." Tintraydor talaga ako ng bunganga ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Busy pa ako ngayon. I-delay na muna natin."

Ewan ko pero para akong pamintang dinudurog. Di ko maintindihan. Sanay na ako sa ganitong pangyayari pero hindi ko parin maiwasang masaktan. Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. May galit, lungkot, pagtatampo at sakit. Ewaaaan!

"Delay na naman? Naka-ilang beses na tayong mag-delay ah? Di ka pa ba napapagod kaka-delay Laurence? Supposed to be nag-uusap na yung mga magulang natin sa panahong ito. Ano na naman ba ang rason mo Laurence? Last 7 months, kasal ng pinsan mo ang ginawa mong dahilan. Ngayun ano naman?" Pasigaw kong sabi sa kanya.

Hindi ko na napigilan kaya hindi ko na makontrol ang mga sinasabi ko. Nararamdaman ko na ang pag-init ng aking mga mata at namumuong tubig sa mga ito.

"Bakit ka ba nagmamadali Abi?" sabi nya ng nakakunot ang noo. "Nakakasakal ka na! Pagod na 'ko Abi." Dagdag pa nya sa naiinis na tono.

Nararamdaman ko ang mga luha sa aking mga mata ngunit pinipigilan ko ang mga ito. Para akong mabibiyak sa sakit. Wasak na wasak. Pinilit kong maging matapang sa kanyang harapan. Humalakhak ako na ikinakunot ng kanyang kilay.

"So ako lang pala talaga ang gustong magpakasal dito?" Nakangising wika ko.

Hindi sya sumagot o tumingin man lang sakin. My God Laurence! Naiisip mo bang nasasaktan ako sa ginagawa mo?

Tumulo ang luha ko kasabay ng pagtayo ko. Ngumiwi ako sa kanya at kinuha ang bag ko.

"Pagod na rin ako Laurence." Wika ko at aktong aalis na ako. "IT'S OVER!" Hinubad ko ang singsing na bigay nya at tinapon. Hindi ko alam kung saa napunta ang singsing basta ang alam ko nasa loob lang 'yun ng condo nya.

Aktong tatayo sya nang tuluyan na akong lumabas sa condo unit nya.

Naglakad na ako ng mapansin kong walang Laurence na sumusunod sa'kin para pigilan ako.

"Didn't even bother to stop me?"

Mag-isa akong nagsasalita. Hala? Baliw na nga siguro ako.

Padabog akong umalis sa building na yun. Ramdam ko ang luha na dumadausdos sa aking pisngi ngunit hindi ko na ito pinansin.

-------------------------------------------------

Oo, baliw ka na nga. HAHAHA. Joke lang. How was the first chapter? Kung hindi nyo nagustuhan, you can stop reading rn. :) Hindi ako mataray, ayoko lang kayong  pilitin.

Votes and comments will be appreciated.

-Jak

Love and War (Her Choice)Where stories live. Discover now