Chapter 12

16 3 0
                                    

Chapter 12: Caught

Abigail's Point of View~ 

"Abigail! Baba na. Kakain na tayo." sigaw ni ate Dail galing sa baba.

"Okay." pasigaw na sagot ko.

Medyo inaantok pa ako. Late na kasi ako nakatulog kagabi. Hindi ko naintindihan ang mga sinabi ni Dale kagabi. And he made me confused.

I like the way how Dale cares for me, the way he handles everything when we are together. I like his presence. But his confession yesterday night made me feel uneasy, especially the kiss.

Tumungo na ako sa kitchen to have my breakfast. Nadatnan ko sina Ate Dail at Kuya Billy na nagsusubuan. Urgh. Napairap na lang ako sa ginagawa nila.

Umupo na ako at kumuha ng pagkain. Bigla akong napatingin ka Ate dahil nararamdaman kong tinititigan nya ako.

"What?" tinaasan ko sya ng kilay.

Bigla s'yang ngumisi. "Who's the new toy?" tanong nya. Ano na naman kaya ang pinag-iisip nito?

"Huh? What are you talking about?" tanong ko pabalik sa kanya kahit alam ko naman ang ibig n'yang sabihin.

"Sino yung lalaking naghatid sa'yo kagabi?" tanong na naman nya sabay kindat sa'kin.

Magsasagutan lang yata kami ng mga tanong kaya sinagot ko nalang din, "Katrabaho ko." walang gana kong sagot.

"Sasagot na nga lang, mali pa. Pero infairness ah! Gwapo sya. At feeling ko maganda ang katawan nya." masayang sambit ni Ate.

Umaandar na naman ang pagiging malandi ng bruhang to. Hindi na ako umimik at nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Nagkikita pa ba kayo ni Laur?" pagbasag nya sa katahimikan.

"Nagkita kami kahapon. Naghintay sya sa labas ng kompanya." sagot ko na hindi man lang sya tinatapunan ng tingin.

"Oh tapos?" tanong na naman nya.

"Wala naman kaming dapat pag-usapan. Buti nalang naka-iwas agad ako." sagot ko at sumubo ng pagkain.

"Pa'no ka naka-iwas?" interviewer na pala sya ngayon? Bat hindi ko alam? "Alam ko na! Dumating yung bago mo'ng toy nuh? Tapos umarte sya bilang boyfriend mo at iniwas ka kay Laurence! Wow ah? Parang teleserye lang e." humagikhik sya samantalang patuloy lang akong kumakain.

Hindi ko alam pero hindi na ako naiilang kapag pinag-uusapan si Laurence. Pero nakakainis lang talaga kapag tinatawag n'yang New Toy si Dale, e' hindi ko naman sya pinaglalaruan.

"Tapos," pagsasalita nya ulit. "hinatid ka nya dito, tapos may pinag-usapan kayo, tapos ang ending nun ay hinalikan ka nya." masayang sambit nya at pumapalakpak pa.

Halos mabulunan ako sa narinig ko. "tapos ang ending nun ay hinalikan ka nya."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nagpupumiglas itong lumabas. Naalala ko na naman ang nagyari kagabi.

Hinatid nya ako dito sa bahay. Wala ako sa mood kaya parang feeling ko kagabi ay wala akong paki-alam sa paligid ko. Para akong lasing na walang nainom.

Nabago kasi ang mood ko kagabi dahil nakita ko si Laurence. Hindi ko maintindihan ang punto ng pagpapakita nya sa'kin kagabi. Pagkatapos nya akong hiwalayan at saktan, babalik-balik sya? Aba? Ang tindi rin e. 

I was starting to forget him. I'm trying to erase our memories. I'm trying to erase him from me. I'm moving on.

Kung kailan ko binubuo ulit ang sarili ko na winasak nya dati, saka nya rin sisirain ulit?

Hindi ko na napigilang mainis kagabi.

Pero ang hindi ko maintindihan sa sarili ko ang naramdaman ko nung umamin si Dale. Hindi ko maipaliwanag. Parang masaya na malungkot na naguguluhan.

Masaya ako dahil nailabas na rin ni Dale ang nararamdaman nya sa'kin. Alam kong mahirap itago ang pagmamahal mo sa isang tao. Pero nalulungkot ako kasi alam kong mababago ang pakikitungo namin sa isa't-isa. At naguguluhan ako kasi iba pitik ng puso ko kay Dale. Masaya ako kapag kasama ko sya. Nasanay lang siguro akong magkasama kami  at napapangiti nya. 

Pero hindi ko alam kung bakit at paano nalaman ni ate.

"P-paano mo nalaman?" nauutal na tanong ko.

"Yung hinatid ka lang at yung kiss ang alam ko. Yun lang kasi ang nakita ko." natatawang sabi ni Ate.

Magsasalita na sana ako ng bigla s'yang magsalita, "Okay sya sa akin. Parang mas gusto ko sya para sa'yo kaysa kay Laurence kahit hindi ko pa sya nakikita ng malapitan at nakakausap." sabay kindat. "At mukhang yummy sya ah!" dagdag pa nya.

"Ate!" medyo hindi ko na nagugustuhan ang pinag-uusapan at nakita ko pang napanguso si Kuya Billy. Hahaha, nagseselos yata ang loko.

Kahit ano talagang topic ang pinag-uusapan hinahaluan ni ate ng kagagahan.

"Ipakilala mo nga 'yan sa Ate mo para tumigil na 'to kakadaldal." napipikon na sabi ni Kuya Billy.

"Ito naman! Nagseselos agad." paglalambing ni Ate Dail kay Kuya Billy.

Ayan! Buti nga sa'yo. Puro kalandian kasi ang laman ng utak. Gusto ko s'yang tawanan. Nakanguso s'yang naglalambing kay Kuya Billy.

"Ate. Alis na ko." pagpapaalam ko na hindi nya man lang pinansin. Busy kasi sya kakasuyo kay Kuya Billy. 

Ngayon ko lang din nakita si Kuya Billy na nagkakaganun. Kapag pala talaga ang taong mahaba ang pasensya ay nagselos o nagalit, ang tagal suyuin. 

Tumungo na ako sa kompanya at dumiritso sa office. Pagkarating ko ay nasa table nya na si Dale. Lumakad na ako papuntang table ko ng nagtagpo ang tingin namin at napaiwas din ako agad.

I'm sorry Dale. Hindi ko pa alam kung paano ka kakausapin. Naguguluhan pa ako.

Umupo ako at nagpakawala ng malalim na hinga.

Napatingin ako kay Dale at nalaman kong nakatingin din sya sa'kin kaya mabilis na umiwas ako.

Should I stay away from him? Should we stay with what we have right now? 

Should I love him back?

----------------------------------------------------------------------

Nalilito na sila. Malito rin kayo. xD Mwahaha.

Hindi mahaba ang story na ito. Siguro ay hindi aabut ng 20 Chapters. Kung aabut man, edi masaya. HEHEHE.

Vote and comment :*

-Jak.

Love and War (Her Choice)Where stories live. Discover now