Chapter 7: Faking out
Dale's Point of View~
Ang bigat naman ng babaeng 'to.
Karga-karga ko sya ngayon patungo sa bed ko. Sobrang dami ba ng nainom nya to the point na kahit sapakin sya ay hindi magising? Hay.
Ihiniga ko sya sa kama ko. Tinggal ko ang sandals at blazer nya. Napatingin ako sa mukha nya.
Para akong nakakita ng anghel. Ang ganda mo, ang inosente ng iyong mukha, at ang lalim mo magmahal. Halos nasa'yo na ang lahat, pa'no ka nya nagawang saktan? Pa'no ka nya nagawang paiyakin?
Inayos ko ang buhok nya at nilagyan sya ng kumot. Kinuha ko ang unan na nasa tabi nya, dun ako sa sala matutulog. Bawal akong tumabi sa kanya, baka kasi isipin nya'ng pinagsamantalahan ko sya.
Di ako makatulog kaiisip sa mukha nya. Kung pwede lang sanang titigan sya ng magdamag, gagawin ko.
Almost 12:00 midnight na, I have to sleep right now, we still have work to attend tomorrow.
Pagkagising ko ay tulog pa sya.
Sana umabot tayo sa puntong ganito. Yung tayo talaga. Gusto kong nakawin ang puso mo pero pa'no ko mananakaw kung pilit mo paring ikinukulong sa kanya kahit pinapalaya ka na?
Hindi ko namalayang nakaupo na pala ako sa kama habang nakatitig sa kanya.
Lumabas na ako ng kwarto at naligo. Pagkatapos ay naghanda na ako ng breakfast. Lumabas ako ng kitchen para tawagin sya pero natatawa ako sa ginagawa nya.
Dahan-dahan s'yang lumabas ng kwarto at hinanap 'yung bag nya. Pagkakuha nya sa bag nya nilapit ko sya. Parang nagulat yata sya sa kagwapuhan ko. Joke lang. Pero parang nagulat sya nung nakita nya ako.
"Gising ka na pala." sabi ko ng nakangiti.
"Hehehe." nahihiyang tawa nya.
Ang cuuuuuute.
"May nagawa ba akong hindi maganda kagabi?" tanong nya. "May nasabi ba akong masama sa'yo?" dugtong nya.
Umiling lang ako. "Except sa paglalasing. Masama 'yun. Umiinom ka kasi nasaktan ka nya? Tss. Marami pa namang lalaki sa mundo na mas matino sa ex mo." sambit ko.
Mali naman kasi talaga e.
"Didiritso ka na sa opisina?" tanong ko.
"Oo,"
"Hmmm.. Siguro, maghilamos ka muna para hindi matakot sa'yo ang mga tao sa opisina."
"B-bakit?"
Tinuro ko sa kanya ang salamin at...
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah."
Nanakit yung tenga ko sa sigaw nya. Siya mismo ay natakot sa sarili nyang mukha.
Pagkatapos nya maghilamos ay kumain na kami. Kinuwento nya 'yung tungkol sa relasyon nila ni Laurence. Halos maiyak na nga sya kakakwento e.
After breakfast ay pinagpalit ko sya ng damit. Yes, ako ang bumili ng susuotin nya ngayon. Gumising ako ng maaga kanina and went to the mall para bumili ng susuotin nya. Ang binili ko ay yung pwede pang'office. Slocks na black, blouse nga white, at blazer na peach.
Naghintay lang ako sa sala sandali at paglabas nya ay namangha ako sa kanyang ganda. Suot-suot nya na ang mga bili kong damit at nakalugay lang ang kanyang buhok.
Ngumiti sya sa'kin. "Bagay ba sa'kin?" tanong nya.
"Bagay na bagay sa'yo." sagot ko. "Pero mas bagay tayo?" dugtong ko.
"Huh?" gulat na tanong nya.
"Ah. W-wala. Halika na?" nakangiting sabi ko.
Tumango sya naglakad na kami palabas. Bubuksan ko na sana ang pinto ng hinawakan nya ang kamay braso ko.
"Pwede 'wag mong ipagsasabi o ikakalat na natulog ta'y o sa iisang unit?" sabi nya ng nakanguso.
Napangiti ako sa ka-cute-an nyang taglay. Tumango ako.
"Promise?"
Nag-promise sign ako at, "Promise."
"Mananahimik ka lang tungkol dito ah?" sabi nya.
"Okay." sabi ko at nag zip ng bunganga.
"Tara?" sabi nya.
Binuksan ko na ang pinto at naglakad na kami papuntang elevator.
Nasa harap ng elevator si Laurence. Ramdam ko ang titig nya sa'kin at kay Abigail.
"What's going on?" tanong ni Laurence na nakatitig parin sa'min. "Why are you coming out from that place?" dagdag pa nya.
"Sino ka?" tanong ni Abigail sa kanya.
Napapagintnaan ako ng dalawa. Si Abigail ay nasa kanan ko at si Laurence ay nasa kaliwa ko.
"Stop joking around. Ano'ng nangyayari?" tanong nya na medyo napipikon ang tono.
Magsasalita na sana ako ng biglang ikinalabit ni Abigail ang mga kamay nya sa braso ko.
"Love, that's him. My nasty ex-boyfriend." sabi ni Abigail sa'kin.
Love? Tama ba ang narinig ko? Tinawag nya akong Love? Alam kong pagpapanggap lang ang lahat ng ito pero sana ay magkatotoo. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang masaya na nalulungkot. Masaya ako dahil tinawag nya ako ng ganun pero nalulungkot ako dahil alam kong kunware lang ito.
"This is my handsome boyfriend who is quite the gentleman." sabi nya kay Laurence habang nakahawak parin sa braso ko.
"Love, let's go." nasisiyang sambit nya at hinatak ako papasok ng elevator.
"Aren't you getting in? If you're not getting in, I'm closing the door." malamig na sambit ni Abi kay Laurence.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Abigail nung nasara na ang pinto ng elevator.
Nasasaktan ako sa ginagawa mo Abi. Ginagamit mo ko para makaganti sa kanya. Pero kung makakatulong ako sa'yo sa paraang ito, kakayanin ko, titiisin ko ang sakit na nararamdaman ko sa pagpapanggap natin.
"Are you trying to make him jealous?" tanong ko sa kanya.
Alam ko naman na pinagseselos nya lang si Laurence. Obvious naman e.
"Did it work?" tanong ko ulit. "Maybe it didn't?" dagdag ko pa.
Nanatiling nakasimangot ang kanyang mukha.
"It's none of your business." sambit nya.
Gusto 'kong iparamdam sa'yo na nandito ako, na kaya kitang mahalin higit sa ginawa nya, na iingatan kita hanggang sa huli nating paghinga. Pero ano bang magagawa ko? Kahit ibigay ko pa sa' yo lahat, hindi mo naman ako makikita kasi sya parin. Si Laurence parin ang laman ng puso mo. Pero hindi ako susuko. Hindi ako mapapagod na mahalin ka.
--------------------------------------------------------------------
Guys, 'wag nyong sasabihin ka Abi na may nararamdamn si Dale sa kanya ha? ;) HAHAHA.
Si Dale o si Laurence?
Comment kayo kung sino ang gusto nyong makatuluyan ni Abigail. :) Galing din umakting ni Abii at Dale e no?
Pero kinilig ako sa LOVE <3 Sana kayo nalang. Sana kayo na ang magkatuluyan. Hay. Or akin ka nalang Dale. Aweii. :*
^___________^
Note: Si Dale ay si Minhyuk ng Btob. Sya ang bias ko kaya baliw ako sa kanya. xD
Vote and comments will be appreciated.
-Jak.
YOU ARE READING
Love and War (Her Choice)
Fiksi Remaja"If you're tired, just rest don't quit." Abigail Colt is a girl with a past and Dale Scott knows everything, yet he still likes Abigail Colt. Their first meeting was really messed up. "She's really worth waiting for."