Chapter 11

12 2 0
                                    

Chapter 11: Kissed

Dale's Point of View~

Nakita kong nagulat si Abi sa ginawa ko pero alam ko rin namang hindi pa sya handang kausapin si Laurence at lalong alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan parin sya kapag nakikita nya si Laurence.

Nasa kotse na kami, nag-offer na ako kay Abi na ihatid sya kasi baka anong mangyari sa kanya at baka sundan sya nung gagong Laurence na yun.

Biglang humarap si Abigail sa'kin, "Ang kapal ng mukha niya." galit na galit sya. "Pagkatapos nya akong saktan, bigla-bigla s'yang magpapakita sa'kin para makipag-usap at makipag-ayos? Aba! Ang tindi na rin ah."

Umayos na naman sya sa pagkakaupo nya, "Akala nya siguro kaya nya akong kunin sa palambing-lambing. Tse! Manigas sya. Parang ang dali lang sa kanyang mag-sorry." nagsasalubong na ang kilay nya sa galit. "Bakit ang dali sa inyong mga lalaki ang humingi ng sorry? Ni hindi man nga lang kayo nag-eefort! Ba---"

  Ang ingay-ingay ni Abgail dito sa loob ng kotse ko ngayon. Parang baril kakaratrat. Hindi ba sya nauubusan ng laway. Ako kasi 'tong napapagod sa kakadaldal nya e. 

"Abigail?" pagpuputol ko sa kanya.

Napalingon sya sa'kin, magkasalubong parin yung mga kilay nya. "ANO?" pasigaw nyang sagot. "Bakit? Natamaan ka? Ganun naman talaga kayo e. Gagawa-gawa kayo ng kasalanan tapos kapag nagso-sorry, hindi naman nag- eeffort. Tapos kayo pa tong minamadali kaming mga babae na patawarin kayo. Ang kakapal din naman talaga ng mga mukha ny---"

Ang dami n'yang pinagsasasabi pero okay lang, kung boses nya lang rin naman ang tanging maririnig ko, ayus na ayus lang.

"Saan ka ba nakatira?" Tanong ko sa kanya. "Hindi kasi pwedeng sa iuwi kita sa unit ko." Nakangising sabi ko.

Napaawang ang bibig nya at makikita sa kanya ang pagkahiya. Sinabi nya yung address nya kaya papunta dun ang pagmamaneho ko.

Tahimik na ang buong byahe.

Hindi ako sanay na tahimik ka Abi. 

Nakatira si Abi sa isang subdivision. Kaunting lakad lang galing sa gate ang bahay nya. Kanina pa sya hindi nagsasalita. 

"Abi. Smile ka na." nakangiting sabi ko. "Ang pangit mo tingnan kapag nakasimangot."

Nalulungkot din ako kapag nalulungkot ka. 

Hindi man lang sya umiimik. Nakasunod lang ako sa kanya sa paglalakad ng bigla s'yang tumigil sa tapat ng isang bahay. Siguro ito na 'yung bahay nila.

Bigla s'yang lumingon sa'kin. Malungkot ang kanyang mukha. Kung may magagawa lang sana ako para mapasaya sya ay kanina ko pa sana ginawa.

"Salamat Dale." pilit s'yang ngumiti sa'kin.

"Wala 'yun. Responsibilidad kita. Boyfriend mo 'ko diba?" sabi ko na ikinangiti nya. Ngayon ay totoong ngiti na ito. Ngunit, nawala lang din ang totoong ngiting yun at napalitan ng lungkot.

Tumingin sya sa'kin at pilit na namang ngumiti.

 "Hindi mo kailangang ngumiti sa harap ko Abi kung hindi mo kaya, okay?" saad ko sa kanya. Hindi nya kailangang magkunware.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko." naluluhang sabi nya. "Sobrang sakit na. Kung  kailan ko  inaayos ang sarili ko at sinusubukan s'yang kalimutan, saka naman sya susulpot." sabi nya na may inis sa kanyang mukha.

"Sshh. Wag mo na 'yang isipin ngayon. Magpahinga ka na."

"Salamat talaga Dale."

"Tigilan mo na kaka-thank you sa'kin." napatawa ako. "Yung sinabi ko pala nung nasa rooftop tayo, totoo yun." ramdam kong umiinit ang mukha ko at nakita kong nagulat si Abi.

"Nung una palang kitang nakita, nung umiiyak ka, gusto na agad kita nun." pagsasalita ko. "Hindi ko alam, pero kakaiba ka Abi. After that incident, you always popped up in my mind. Napapangiti ako kapag naiisip kita. Nung unang pasok ko sa kompanya at nakita kita, parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang saya dahil pareho tayo ng pinagta-trabahuan. Akala ko hanggang GUSTO lang yun Abi." sunod-sunod na sabi ko. Tumingin ako sa kanyang mga mata na naguguluhan. "Akala ko hanggang 'dun lang yun. Pero I think... I think I'm already in love with you, Abigail Colt."

Umawang ang mga labi ni Abigail dahil magsasalita pa sana sya pero huli na sya. Nagdikit na ang aming mga labi. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Naghahalong saya at lungkot.

Bumitaw ako sa pagkakahalik ko sa kanya. "Don't worry. Hindi kita mamadaliin. Hihintayin kong buksan mo'ng muli ang puso mo." nakangiting sabi ko. "Pasok ka na. Lumalamig na dito sa labas. Good night Abi." kumaway ako sa kanya.

Pagkapasok nya sa loob ay agad na akong naglakad papunta sa kotse ko. 

I kissed her.

 What have I done?  Dinadagdagan ko lang ang problema nya at nasasaktan pa sya hanggang ngayon sa ginawa ni Laurence. Sariwa pa sa kanya ang mga sugat na gawa sa kanya ni Laurence. 

But wala s'yang dapat ikabahala. I won't rush her to love me back.

Nabigla lang din ako kanina. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Damn it. I can't sleep. I've been over-thinking about Abigail after I kissed her earlier.

~~

Maaga akong nagising. Sa pagkakaalala ko ay late na akong nakatulog kagabi because I was thinking of Abigail. I don't know why pero may gumugulo sa isip ko.

Naalala ko ang nangyari kagabi. Shit! How can I face her? 

I am not his boyfriend.

I was just nobody to her.

I'm not even special to her.

She knows nothing about me.

BUT...

I kissed her.

----------------------------------------------------------

Medyo malapit na itongg matapos. :( Hays.

Maraming pagkakaiba ang story na to at ang totoong movie. xD kkk.

Vote and comment. :*

-JAK.

Love and War (Her Choice)Where stories live. Discover now