Chapter 13

21 3 0
                                    

Chapter 13: Dinner

Abigail's Point of View~

Mostly paper works lang naman ang ginawa today kaya walang naging problema sa kompanya pero something's wrong with what I'm feeling. Something's missing.

Hindi pa kami nag-uusap ni Dale. At feeling ko yun ang mali. Alam kong mali na umiwas sa kanya. He tried to approach me pero ako ang umiiwas.

Nagliligpit na ako ng gamit. I really feel wrong. Something's wrong.

Nasa labas na ako ng building when I heard my name being called.

"Abi!" Rinig kong tawag galing sa likuran.

Hindi ko man sya nililingon ay alam at kilala ko na ang boses na 'yun. It's Dale's.

Ramdam ko nang magkatabi kami. 

"Pauwi ka na?" tanong nya.

You're not ignoring him again Abi. I faced him smiling. "Yeah." maikling sagot ko.

Lalakad na sana ako ng bigla n'yang hinawakan ang kamay ko. "Can I drive you home?" he offered.

I would offend him I say no. And if mag-yes ako, wala namang mawawala.

"I won't take no as an aswer." nakangiting sambit nya.

"Do I still have any choice now?" I questioned sarcastically. Wala na rin naman akong ibang choice kasi hindi nya raw tatanggapin ang NO

Napatawa sya at muling tumingin sa'kin. "Stay here. I'll just get my car." masayang sabi nya.

Napa-buntonghininga nalang ako at lihim na napangiti. Tama ang naging description ko sa kanya kay Laurence, Dale is gentleman.

Alam kong naiilang sya after his confession but he still had the guts to approach and talk to me.

Maya-maya lang ay nasa harap ko na ang car ni Dale. Pinagbuksan nya ako ng door at agad naman akong pumasok.

He started the machine. Nakakabingi ang katahimikan namin. Gusto ko sanang magtanong tungkol sa confession nya pero hindi ko alam kung paano.

"Abi?" pagbasag ni Dale sa katahimikang nakapaloob sa kotse nya.

Lumingon ako sa kanya. "Would you mind to have a dinner with me?" dagdag pa nya.

Dale? What's this?

"Uh... y-yeah, sure." ang tanging naisagot ko sa kanya.

Nakita ko ang pagsilip ng ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko sya nagawang tanggihan.

Dinala nya ako sa isang magarang restaurant at sa tingin ko ay mahal dito. Pwede naman kaming kumain ng simpleng pagkain lang.

Pagkapasok namin ay inikot ko ang tingin ko sa buong lugar. Mahilig akong mag-restaurant pero hindi naman ganito kagara.

"Table for two sir?" magalang na tanong ng waiter kay Dale.

Tumango lang si Dale at hinawakan ang kamay ko.

 "This way sir." sambit ng waiter. Sumunod lang kami ni Dale sa kanya. 

I can feel butterflies inside my stomach. Hawak-hawak parin ni Dale ang kamay ko. Pagkarating namin sa table ay ipinanghila nya ako ng upuan.

Umupo ako at ganun din sya.

"Thank you." nakangiting sambit ko sa waiter na nagdala sa'min dito sa table. Nag-bow lang sya as his response.

Inabutan nya kami ni Dale ng menu. As I open it, napaawang ang bibig ko sa presyo na nakita ko. Iba't-ibang putahe, iba't-ibang halaga. 

"Dale?" pabulong na tawag ko sa kanya. Ibinaba nya ang menu na hawak nya at tumingin sa'kin ng nakangiti. "Masyadong mahal ang mga pagkain dito, pwede naman tayong mag-dinner sa isang simpleng kainan lang." pabulong parin ang pagkakasabi ko.

He just smiled. "Pili ka lang. Ako ang bahala sa'yo." sabi nya at may pahabol na kindat pa.

Damn you Dale. Are you making me fall for you? 

Gaya ng sinabi nya ay pumili ako. Isang putahe lang ng ulam ang pinili ko, isa ring dessert  at juice wine.

"How about you sir?" tanong ng waiter kay Dale pagkatapos n'yang kunin ang order ko.

"Kung ano ang in-order nya, ganun na rin sa'kin." sagot ni Dale.

"Copy sir." sabi ng waiter bago umalis.

"Ano pang silbi ng pagtingin-tingin mo sa menu kung gagayahin mo lang rin naman pala ang order ko." natatawang tanong ko.

"Gusto ko pareha tayo e." he winked.

"Abou--" magsasalita na sana ako ng bigla n'yang pinutol.

"About my confession, I'm sorry if masyadong napaaga. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko." He chuckled. "But that was all true Abi." dugtong nya.

I know. I can see the sincerity in his eyes that night when he confessed.

"Sabihin mo lang sa'kin kapag handa ka ng buksan ulit ang puso mo Abi. Maghihintay ako." nakangiting sabi nya habang titig na titig sa mga mata ko.

Ngumiti lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Here's your order Ma'am." sabi ng waiter sabay lagay ng mga pagkain sa table. "And here's yours Sir." dugtong nya nang ilalagay na nya ang para kay Dale at agad naman s'yang umalis.

"Kain ka lang." sabi nya sabay subo.

Tinitingnan ko lang sya habang kumakain. Lihim akong napapangiti habang pinagmamasdan sya.

"Baka mapa-ibig ka ng wala sa oras Abi." He chuckled.

"Ang kapal ah?" natatawa kong sambit.

"Kumain ka na. Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang ako." sabi nya habang tumatawa.

Kumain nalang ako para tumigil na sya sa mga sinasabi nya.

"Let's go?" Tanong nya sa'kin ng maubos ko na ang wine.

Tumango ako bilang sagot. Tumayo ako at kinuha ang sling bag ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nakasunod lang ako sa kanya sa paglalakad papuntang parking lot. 

Binuksan nya ang pintuan ng kotse nya at hinintay na makasakay ako bago sya sumakay sa kabila.

"Thank you Dale." sambit ko sa kanya.

Marami nang nagawa si Dale para sa'kin at ngayon lang ako nagkaroon ng chance para ipagpasalamat yun lahat.

Sinuklian nya ako ng ngiti at pinaandar ang makina.

"Nabusog ka ba?" Tanong nya.

Napatingin ako sa kanya at tumango. "Sobra. Salamat ah."

"Wala yun. 'Wag mo na akong iiwasan ulit ah?" sabi nya ng nakanguso.

Ang cute nya. Hahaha.

Tumango ako at saka ibinalik ang tingin sa daan.

Sa presensya ni Dale, nakakalimutan ko si Laurence at ang nararamdaman ko sa kanya. Sa t'wing kasama ko sya ay napapangiti ako. Nakakalimutan ko ang sakit ng kahapon.

"See you tomorrow." sambit ni Dale bago ako pumasok ng bahay.

Now I feel better.

--------------------------------------------------

Pagkain lang pala ang katapat kay Abigail e. Nyahaha. xD

Something's fishy na sa nararamdaman ni Abigail para kay Dale. <3

Pero wag muna kayong magkakasiyahan dahil may exposure pa ulit si Laurence. Mwahahahahaha.

Spoiler ang author nyo. kekeke! :P

Vote and Comment kayo mga Alien. :*

-Jak. :)

Love and War (Her Choice)Where stories live. Discover now