01.

910 31 9
                                    

Revised chapter 01
May dinagdag akong scenes. Wala ng bold + italic = Korean. Bold na lang. Enjoy Reading!

Chanyeol at the MM

---


01. Park Chanyeol x #0 Fan


NICA AVERY'S POV


"punta daw tayo sa Sm Ent!" sabi ng kaibigan kong si Jessica. Kagaya ko lang din Fan din siya. Fan siya ni Sehun. Madami tayong #0 Fan. natatawa na nga lang ako dahil ang iba ay sinasaktan pa ang exo para mapansin.


"Ano bang meron dun? andun ba si Chanyeol?" bungad kong tanong sakanya. Salit-salitan kami minsan. Ako yung kukuha ng pictures at siya naman ang titingin ng sched.


"Yep. So Go na!" sabi niya saakin at pinalabas ako ng pintuan. Ang galing talaga ni Jessica! Papaalisin ako ng bahay nang naka-pajama. Mamaya isipin pa ni Yeol... uhm..


Pumasok ako ulit sa loob at nag-breakfast. ni-hindi pa kasi ako nagb-breakfast. Atat kasi yang si Jessica. Kaibigang kong loyal kay Sehun. aminin ko man o hindi, atat din ako sa pagpunta doon. Walang araw na hindi ko yata nakalimutang laging dumaan sa Building nila para lang makita si Chanyeol. Nag-iiwan pa nga ako ng mga gifts dun eh. Buti na lang at tinatanggap ito ng staffs. Pero minsan iniisip ko, natatanggap ba nila yun?


Meron kasing articles na kapag ayaw ng idol eh ang mga staffs o si PD-nim ang nakikinabang. Mas maganda na sila mismo ang makakuha pero kapag naman balak ko itong ibigay ng personal ay wala siya, busy o kaya nasa dorm.


"Yah, sabay na pala tayo punta" sabi niya saakin at syempre mas masaya kung kasama siya. Hindi din niya matiis na hindi sumabay sakin eh. Wala kasi syang masasaktan kapag nakita nya si sehun.


Habang papunta kami sa SM Building, eh tinitignan ko ang regalong ibibigay ko kay chanyeol. Isang scrapbook na punong puno ng mukha nya. Mula sa airport previews hanggang sa pagpeperform nila ng live sa Music Bank, Music Core, Show champion. Etc. Ano kayang masasabi ni Chanyeol sa regalo ko? Sana matuwa sya dahil mahigit 2 weeks ko rin itong pinaghirapan. Sa dulo ng scrapbook ay ang sulat ko para sakanya. Fan letter. Alam kong sawang sawa na siya sa letters na pinapadala ko pero ako hindi!


"Andito na po tayo" sabi ng Driver at bumaba na kami. Mas Maaga, mas maganda. Konti pa lamang ang mga tao. Pero siyempre, nandun na din yung ibang mga noona's.


"Ery!" tawag sakin ng iba pang nag-aabang sa labas ng building. Fangirl din tulad natin.. "Hi Unnie" bati ko sakanya at ngitian siya. "Hinihintay mo ba si Chanyeol?" tanong niya sakin.


"oo, as usual" matipid kong sagot. Sa ngayon, wala ako sa mood para ilabas ang funny side ko dahil kapag minamalas ka nga naman, bumisita si pula. Madalas ang mood swings ko. Minsan okay, minsan hindi. Parang lovelife diba? Mahilig ako magbiro. Korny nga lang, kaya naman sila Jessica ay napapailing na lang. Pero, ako ang pinaka-active sakanilang lahat. Karamihan kasi sakanila ay nasa college na or grade 12. Seryosong seryoso sila sa pag-aaral. Samantalang nasa Grade 10 pa lang kami ni Jessica.

30 Days to pretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon