note ; nagpalit ako ng username. from winterhun to oracls. Baka kasi magulat kayo. short update. bawi ako sa susunod :)
revised
160502
08. classroom
Nica Avery Yoon's POV
Crazy fan? so yun pala ang tingin niya sakin. Akala ko, okay na kami. Alam nyo yun? pinakilig ka tapos biglang bawi. Ganyan! Dyan magaling ang mga lalaki, hay.
Pagkabalik na pagkabalik ko sa building namin ay dumiretso ako sa classroom, buti na lang at nandon na sila jessica at frost na parang hinihintay ako. "Huy" tawag sakin ni frost kaya lumingon ako sakanya.
"hmm?"
"Anong lasa nung cupcakes?" tapos umupo siya sa harap ko--sila ni jessica. "Lasang chocolate at vanilla" sagot ko naman. Yung babae kanina, si Soo Yeon. yung babaeng kasama ni chanyeol nung nasa bubble tea shop, yung babaeng inlove na inlove siya. Yung trainee ng agency nila. nasaktan ako, pero ngayon pa ba ako susuko kung nabigyan ako ng 30 araw? asa! I'll make chanyeol fall for me!!
"hindi ba sila nagbigay ng opinion about sa cupcake? nagustuhan ba nila? nagustuhan ba ng chanyeol mo? Masarap daw ba? kulang sa sugar? eh yung vanilla? nagustuhan daw ba nila?" sunud-sunod niyang tanong kaya napatawa ako.
"baliw! hindi ko alam, frost" sabi ko at lumingon sa exo na kakadating pa lang sa classroom. kasama na nila si chanyeol.
Alam na nila kung saan sila ppwesto. syempre malapit saakin pero hindi sa mismong tabi ko. Nasa unahang row sila. Ayoko kasi ng may katabi, mabuti na lang talaga at naiintindihan ako ng Papa ni Jes, next year ay ganon pa din ang ipapakiusap ko.
Lumapit saakin si Xiumin, "uh, nica" humawak ito sa kanyang batok na para bang nahihiya. Hala! bakit ang cute ni Xiumin? oh noes! "gusto ko lang mag-thank you sa binigay mo na cupcakes, masarap siya!" tapos nag-thumbs up siya. ngumiti naman ako kasi nga ang cute cute ni xiumin ;u;
"Welcome! gagawan ko ulit kayo next time"
Bumalik ito sa pwesto niya at kasabay nun ang pagpasok nung arts teacher namin. Tumayo kami at nag-bow tapos nag-sign siya na umupo na kami kaya umupo kami. Tumingin ako sa bintana kung saan nakikita ko yung maganda naming garden, oo nga pala't halos hindi pa ako nakakapunta doon sa garden na ako, si jessica at si frost lang ang halos nakakaalam.
Ang mom ko ay nasa france ngayon, mayroon kaming business kaya hands on si mom doon ay dahil sa international iyon. Hotel kasi ang ibini-business ni mommy. Ang daddy ko? Wala na, iniwan niya kami. pagkatapos ng nangyari noon ay bigla bigla nalang itong umalis kaya naman hindi ko masyadong matandaan ang mukha niya, maski ang mga pictures niya ay tinanggal at hindi ko alam kung saan ipinatago ni mommy. Sa sobrang busy nya ay sa facetime na lang kami naguusap. Ni hindi pa siya umuuwi dito sa pilipinas for 5 years, kaya nasanay ako na mag-isa lang sa bahay kahit na nandoon si manang fe.
BINABASA MO ANG
30 Days to pretend
Fanfiction[ Exo series #3 ] Lahat ng mga iniidolo natin ay mayroong mga fansite noonas o dongsaeng na laging nasa events at kumukuha ng mga litrato ano mang mangyari. Mapa coffee shop, mall, concert o ano man. Para silang living diary na mayroong "add image a...