05.

397 17 1
                                    


Revised
160430



05. I guess?


Nica Avery Yoon's POV


Dalawang araw na yung nakalipas simula nung sinabi ko yung salitang iyon, and I didn't dare to say it again. Maski sila, hindi na nila pinaulit. After that cafeteria scene ay tulala sila at nauutal.


Bakit naman? Eh diba sanay na sila sa mga ibang fans na tinatawag silang oppa? Hay nako exo! Kaya mas lalo ko kayong minamahal eh.


Naging ka close ko rin sila, may mga similarities kami kahit papaano; tulad ni Xiumin na mahilig kumain, Lay na gustong sumayaw, Baekhyun at Chen na kumakanta, Kyungsoo na mahilig magluto, Suho na mahilig magsulat at magbasa ng books, Sehun na magaling sa fashion, Si Kai...na mahilig sa video games at syempre cartoon movies and episodes. At si chanyeol?


Speaking of chanyeol—pagkatapos niyang umalis nun sa cafeteria ay medyo natagalan ang kanyang pagbalik. And when he returned, I asked him kung saan siya galing. Tumitig lang siya sakin ng matagal bago sumagot.


"Bakit ko sasabihin sa'yo? Are we close?" aniya.


Tumikhim ako. Right. We're not close. I'm just his zero and super duper loyal fan. Lesson learned #1, don't invade someone's privacy.


"Hindi pa ngayon, pero soon" sabi ko at ngumiti. Umirap na lang siya at bumaling kela Suho...Okay? Magiging close din tayo bias! Itaga mo yan sa locks of love ng Paris!!



"Hey, are you listening?" napalingon ako kay Frost na kanina pa pala nakatingin saakin ng masama. Oh right, diba ako nakinig? Ehehe? History class kasi naming ngayon at dahil I spaced out paniguradong hindi ko alam kung ano yung sinabi ng teacher namin. Panigurado din na tatanungin ako ni Frost kung bakit ako nag-space out.


Umiling ako at sya'y nagbuntong hininga. "Sabi ni Sir Lee, group yourselves into two. Since may naging partner na si Jessica, Ikaw na lang magiging partner ko. Yung gagawin natin ay research tungkol sa choseon—I know, alam na alam na nating ang history nyan pero kalian pa daw ng mas bold and creative explanation. Submission daw next month. 10-25 pages, minimum of 10,000 words at maximum naman ng 30,000."


Napa-woah ako. Seriously Sir Lee?! "kailan daw magsstart?" tanong ko.


"Tomorrow daw. After a week, magssubmit daw ng draft" sabi nito at inayos ang mga gamit nyang nakalagay sa kanyang desk. "Why are you spacing out?" sabi niya at tumingin sakin.


Frost has cool brown eyes na namana niya sa papa niya. It's like he has always something to say, Yung thick and long eyelashes niya na sobrang bagay sa mga mata nya at dahil dito nagmumukha itong mapungay. Yung ilong niyang sobrang matangos, nagtataka ako bakit hindi ganon katangos yung akin?


"May iniisip lang" sagot ko sakanya at tumayo. Tumayo na din siya at kinuha ang gamit ko at gamit niya. He's sweet; simula pa lamang nung mga bata kami ay ganito na siya. He's protective, kaya naman tiwalang tiwala ang mom ko sakanya. 

30 Days to pretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon