Prologue

37 2 2
                                    

Isang ma-angas na umaga para sa isang katulad kong astig. Maangas kong nilakad ang hallway at nginingisian ang mga nakikita kong babae. Kinikilig lahat pati mga professor dahil sa sobrang gwapo ko. Inayos ko pa ang magulo kong buhok.

Nang biglang......

"Aray! " natakid ako.

"Tss. Nerd na nga lampa pa. " napailing pa ang Lalaki.

'Tss. Panira 'toh ng imagination. Minsan talaga gusto ko na ring manapak eh. ' isip-isip ko pa.

Tumayo ako sa aking pagkakadapa. Inayos ang sarili. Pinagpagan ko ang plantsadong damit . Inayos ang aking bilog na salamin. Ngumiti sa magagandang cheerleader na diring-diri sa akin dahil naka 'braces' ako.

Muli kong inihakbang ang aking mga binti. Nilingon-lingon ang daan. Inilibot ko ang aking paningin dahil manghang-mangha pa rin ako sa nakikita ko. Hanggang sa makita ko ang lahat ng estudyante ng Montesales University sa napakalawak na field.

Ipinkikilala ko kayo sa 4 na grupo ng estudyante sa school na ito. Simulan natin sa mga tanyag.

Group 1- Sila yung mga 'party goer' . Yayamanin, magaganda at gwapo, sikat sa social media yung tipong 1.1m+ followers.

Group 2- Sila naman yung business minded, networkers, masisipag, yayamanin. Ang iba sa kanila magaganda at gwapo. Pero, kadalasan GGSS.

Group 3- Kami yung mga 'Geniuses'. Matatalino, pataasan ng 'Intellectual Quotient', nagkakapalan ang mga salamin at laging target ng bullies. Kami yung tipo na ayaw makakuha ng 'Lower grade'. Kung ba ga,  1000 items ang pinakamababa na sa amin ang 999.9 items na naitama ganun kami kapursigido. Tama na yung sa amin. Sa sunod naman.

Group 4- Sila yung tipong dapat sumagot ng tanong na "Nabubuhay pa ba kayo? " , "Did you really exist? ". Sila kase yung 'loner', tahimik sa isang tabi, may sariling mundo at Wapakelz sa paligid.

Ngayon, pipila na ako sa Group 3 bilang isa sa kanilang grupo. Naririnig ko ang mga  Calculations sa Pre-calculus, Statistics, Algebra, Geometry, Trigenometry, at iba pa. Sabay-sabay yun sa isang computation sa isip lang. Kaya mo yun?

....
....
....
....
....
....
x=16

Nakuha ko ang sagot sa no. 599 assignment kase namin ay 600 items. Hindi ko natapos kasi kailangan kong matapos ang Science Investigatory Project ko. Deadline na kase ngayon. Sayang din kase ang 10 points. Mababa kaseng magbigay ng marka ang Science Teacher namin. Mahirap makakuha ng marka.

"Ringgggggggggg!!!! Ringgggggggggg!!!!!!" tunog ng bell.

Nagsimula na kaming maglakad. Kami lang ata ang may ganoong routine. Dapat nakapila kapag papasok ng room namin. Nakasubsob ang libro sa mukha. Binabasa ang mga lessons na aaralin pa lang namin sa susunod na buwan. Actually, hindi na namin kailangan magkaroon ng teachers. Kase, kami pa rin ang kailangan mag-explain sa unahan.

Umakyat na kami sa may hagdan. Maririnig ang mga yabag ng hakbang namin. Nakatingin ang mga Siga -siga sa daan.

Nang biglang......

"Wooooshhhhhh!!!!!! " isang hangin.

Napapikit ako dahil doon. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at saglit na inayos ang salamin. Isang babaeng naka-"Cap" ng 'BTS' kulay itim yon. Napatingin ako sa suot niya. Slow motion ang lahat. Naka "ripped jeans" siya na itim. Naka "loose" na "long-sleeves" na kulay puti, may naka sulat na 'Lonely' .

Sinalo niya yung bag na dapat ay tatama sa akin. Tumingin siya sa akin at bumilis naman ang heartbeat ko. Siguro 143 hbeats/seconds. Tinapik niya ako sa balikat ko. Saka ngumiti.

"Okay ka lang ba? " tonong siga ang pananalita niya. Nginitian ko lang siya. "Natutulala at napapangiti ka na? Kaya, Okay ka? Sige basa ka na uli. " iniharap niya ang aking paningin sa librong binabasa ko kanina.

"Hoy! Ano ba?!!! Late na kami. Ayon sa kalkulasyon ko. 90% ng oras ang nasayang dahil late kami ng ......1:30 mins.!!!! " sigaw ni Alchemy class president namin.

Alchemy Veneracion- The Hectic Schedule Class President . Lagi siyang may tinuturuan o kaya naman siya ang tinuturuan. Walang makakaligtas na segundo sa kanya. May laang oras lagi.

Naglakad na ako para makahabol sa unang grupo. Nakahabol naman ako kaso yung tibok ng puso ko. 143 hbeats/secs. pa din. It took an hour bago humupa ang bilis nito. Dumaan pa ako sa maraming trials ng kalkulasyon para ma'solve' ang problemang iyon.

"Ano kayang pangalan niya? " bulong ko pa habang sinasagutan ang Short quiz namin na 5000 items sa Chemistry. Sinagutan ko lang ng 30 mins. dahil, multiple choice lang yun at nagawa ko na ang lahat ng formula bago pa ako nag sagot. Actually,  apat na lang kaming natira kanina sa exam na hindi pa tapos.

"Here's the results of your short quiz." si Sir Jeferson na itinaas pa ang test papers namin. Isa-isa niya kaming tinawag. Halos ng naririnig ko ay perfect score. Isa na lang ang hindi pa matatawag. At, ako iyon. "Mr. Augustine!!! " tawag niya sa apelyido ko. "You have the lower score 4999.0%.May isa kang maling computation. Mamaya mag'remedial' ka!! " nagulat ako.

Mr. Aquino Jeferson-The pangmalupitang teacher of all time. Mababang magbigay ng grade at petmalung magbigay ng short quiz.

"What?! " napahawak ako sa napakakapal kong salamin.

"1000 items mamaya be ready Mr. Augustine!!  equivalent yan sa one point na mali mo. " Tumayo ito at lumabas na ng Classroom namin.

"Crashhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!! " isang pangmalakasang tunog. Basag ang bubog ng bintana namin. At,  ang dahilan ay isang baseball.

Nagulat ang marami kaya pumunta sila sa may bintana. Sinilip nila kung sino ang may gawa.

"Excuse me!!! " sigaw ng kilalang boses.

143hbeats/secs.

Ang Babaeng TiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon