Tycho's PoV
"Excuse Me!!!!! " sigaw ng nung babae kanina. "Sorry ah, nagbe-baseball kase kami!!! " lumakad siya papalapit sa baseball. Astig siyang maglakad. Malakas ang datingan. Slow motion na naman ang paligid. " S-salamat.!!! " saka siya patakbong lumabas ng room.
"Oh My Gosh!!! " gulat na sabi ni Pai. "Basag na naman ang bubog ng bintana natin. Sa kalkulasyon ko, Panglabing-limang beses na nabasag 'yan. Kung, pagbabasehan natin iyon at ang presyo na nagagastos kada palit ng bubog. Siguro umaabot na siya ng Php 15,000 . " sinulat niya ang solution sa blackboard.
Nicole Pai Shin- The Second Achiever of the Class. Pangmalakasan ang bilis sa calculation. Pero, dahil sa dalos-dalos niya nagkakamali siya ng 0.0000001 sa mga test.
"Hindi!! Masiyadong maliit ang presyo." pagtutol naman ni Anaximander. " Masiyadong maliit 'yon. Sa palagay ko, Ang presyo ng isang bubog is Php 1,300 i-multiply natin sa 15 na beses na nabasag ang bubog ng bintana. Php 19,500 lahat-lahat. " hinimas pa niya ang kaniyang baba.
Anaximander Bicol- The Mind of this class. Siya ang Vice President ng room at ng buong Campus. Panglaban sa Accounting, Finance, Algebra at lahat ng may kinalaman sa Math at Science.
Nag- 'Agree' naman kami lahat kay Anaximander. Nagbalikan na kami sa kanya-kanyang ginagawa. Binasa ko ang 5inch na kapal ng libro ng Chemistry. Hinanap ko kung saan ako ng kamali.
"Ringggggggg!!!!!!! Riinggggg!!!!! " tunog ng bell hudyat na recess na namin.
Ang grupo namin ay nilalayuan ng ibang grupo. Masiyado daw kase kaming nerd at maraming alam na terms na hindi nila maintindihan.
Sa kasalukuyan, Mag-isa akong kumakain ng sandwich. 3 layers ang patong nito. May sukat na 4 inches ang lenght at 3 ang width. May palaman itong Egg, Ham, Pickles, Lettuce, at Mayonaise. Ni- resbakan pa ng masarap na Strawberry Milk.
May kanya-kanyang 'Circles' ang bawat grupo. Pamula Group 1-4 . Hindi pwedeng lumiban ang kahit sinong miyembro ng isang grupo sa ibang grupo. That's an rule from the leaders of the groups. Pero, Hindi ganon ka- Strict. Iju-judge ka lang naman ng pangmalakasan. Maliban sa Group 5 hindi ko sila na banggit kanina.
Group 5- All of the above. Sila yung inulan ng talents. Kasikatan at lahat-lahat na. Napaka Rare nila. 10 out of 1000 sila.
"Pwede maki-share? " isang boses na naman. Napatingala ako kung sino ang nagsalita. Lumapit siya sa Circle ng Group 1.But.....
" You're group 5 right? " si Kylie.
Kylie Galleco- Leader of Group 1. The most dangerous person of all groups and grades here. Siya ang pinakamataas sa mataas. SSG president siya. Akala ng buong Campus mabait siya. Pero, 'di nagtagal lumabas din ang tunay nakulay naging mapagmataas at tila laging namimintas. Tss. Napa- rap tuloy ako.