Tycho's PoV
'Di ko na namalayang nakatulog na pala ako. Kaya nagising ako ng nasa sahig at nakataas ang 'T-shirt'. Tinanggal ko muna ang muta sa aking mata.Grabe malakas ang kapit ng muta ko. Ayaw bumitaw eih, Mahal na mahal siguro ako nito. Bumangon ako at sobrang gwapo kong tumayo sa sahig.
"What the... Na naman...ARGH!!!!!"basa na naman kase ang salwal ko. 'Wag kayong madiri kase kapag nakatulog lang talaga ako sa isang malamig na lugar tsaka lang ako biglang nag-iihi.
Tinakbo ko ang banyo para malinis ang sarili at makapag-handa na. Hindi ako marunong magluto kaya naman bumili na lang ako ng lutong pagkain sa may kanto. Kanila Ka-Iska asawa ng maglalasing dati. Pero, hiwalay na sila. Teka, sa istroya nga palang ito hindi ako tsismoso. Actually, hobby ko na rin bumili kanila Ka-Iska mahaba kaseng istorya kaya 'di ko nalang ikukuwento. Oh, sige na nga, Crush kase ako ng anak noon si Betty. Asset ko 'yun para madami ang ibigay niyang pansit.
Betty Alphabeth Katalino- The most popular beauty in our barangay.Sa barangay lang naman naming. Ligawin siya ng mga estambay sa kanto. 'Yung tipong konti na lang itutukhang na.
So, Ayun na nga, tinapos ko na ang aking almusal at inihanda ang mga nagbibigatang gamit na dadalhin ko sa eskwelahan. Madilim pa naman mga 5:30am. Aga ko no, Ganun talaga kapag mga gwapo. Dapat fresh ang datingan kapag papasok ka sa school. Lumabas na ako ng gate at nagulat ako sa isang magandang babae. Nakatalikod ito isinasayaw ng hangin ang kanyang buhok.
Agad naman itong humarap sa akin. "EEIIIIIIHHHHHH!!!!!!!!!!! EPIC FAILED" sabi ng utak ko. Saglit ko pang inayos ang bilog kong salamin. Tinanggal ang tinga sa naka-‘braces kong ngipin. Pakisampal ako dali. Kakadiri,Malaswang tingnan, ‘di bagay sa nagsusuot.
"HOY!!!!!!! Potchie!!!!!!!!!!!" isang malakas na sigaw galing sa bunganga ng babaeng tibo. Naka Uniform siya ng university namin. Isang paldang above the knee. 'Checkered' (note: ‘di ko alam ang spelling pagpasensyahan niyo na ang author niyo) na pula tapos ang linya ay kulay itim na may kasamang puti. Tapos, Long- sleeves na puti at neck tie na pula. 'yung pa-ribbon ang disenyo. "Ano?okay ba?". Tanong niya pa sa akin.
"AH eh" hindi ko alam ang isasagot ko kase baka masuntok ako nito.
"Sabi ko na eih, 'di bagay sa akin. Tss.. Dapat 'di na ako nagpasukat ng uniform" halatang kating-kati na siya na hubarin ang uniporme na suot-suot niya ngayon. "Tara na nga, Baka ma-late pa tayo kung mag-iinarte pa ako dito". Umunat muna siya ng isa saka hinablot ang braso ko at pareho kaming nagtatakbo hanggang sa makarating sa may kanto.
Actually, bagay naman talaga sa kanya ang uniform.Hindi lang ata ako masasanay na naka suot siya ng ganoong damit. Malamang pa sa malamang magsusulputan ang mga GGSS na mga Taga-Group 2. Hindi ko alam pero siya lang ang nakakapagpatigil at nakakapagpabagal ng oras at mundo ko.
Nag-antay kami ng bus sa may station. May dalawang lalaking nasa magkabilang side namin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may masamang binabalak ang mga ito. Ang mg itsura kase nila ay parang mga sindikato sa mga teleserye o kaya naman pelikula. May mga makakapal na bigote tapos may pa'shades' pa. Tapos kaming dalawa pa lang ni Drea ang estudyante sa mga oras na ito. Wala pa rin gaanong bus na dumadaan. Kaya mas lalo akong kinukutuban
Umiipod papalapit sa akin ang lalaking katabi ko. Ganoon rin ay Drea. Bumibilis ang kabog ng puso ko. About 143 hbeats/secs. ang bilis nito. May naramdaman akong dumidiin sa bandang tagiliran ko. Tumingin ako sa direksiyon kung saan naka tutok na pala sa akin ang kutsilyo.