Chapter 2:

26 0 2
                                    

Tycho's PoV

"Manong!! Para po!! " sigaw ko. Hudyat para bumaba ako. Tumayo ako sa kinatatayuan ko at Sinimulang lumakad papuntang pinto ng bus.

Bumaba ako sa may Lovestring street. Naramdaman kong may sumusunod sa akin. Nilingon ko ang likod ko. Napahinto ako dahil sa gulat sa nakita ko.

Si Xandrea na nakasuot ang magkabilang pares ng headset. Nakapamulsa at naglalakad ng nakayuko. Hindi ako pwedeng magkamali dahil siya lang ang nakita kong naka suot ng 'Black Cap' na may burda na 'Bts' ngayong araw.

Inantay ko siyang makarating sa kinatatayuan ko. Nang malapit na siya. Humara ako sa kanya. Gulat naman siyang napatunghay.

"Sinusundan mo ba ako? " kalmadong tanong ko. Nginisian niya lang ako.

"A-anong sabi mo? " tinanggal niya pa ang headset sa kaniyang tenga.

"Alam kong narinig mo ang sinabi ko. "

"Potchie, Alam mo kahit gaano ka katalino kung hindi mo pagtutuunan ng pansin ang reyalidad 'di mo makikita ang katotohanan. "

"Ha? " takang tanong ko sa sinabi niya.

"Hindi mo ko mauunawaan sa sinabi ko dahil masiyado kang naguyok sa libro. " inakbayan niya ako saka naglakad.

Tumingin ako sa paligid. Napakabagal ng lahat. Tanging kami lang ang nakikita ko sa daan. Kaming dalawa lang na sabay naglalakad.

"Hayst!!! " napahilamos pa ako sa mukha ko.

"Napa'no ka? " tanong niya. "Nandito na tayo! " nagulat ako sa sinabi niya.

"Sinusundan mo ba talaga ako? " tanong ko muli sa tanong na 'di niya nasagot. " Atsaka, paano mo nalaman na dito ako nakatira.? "

"Wow, Potchie! " pinisil niya ang pisngi ko dahilan para bumilis ng 143 hbeats/secs.  ang puso ko. " Dito ako nakatira sa compound na ito at kapitbahay mo ako. Paanong 'di ko malalaman? "

"D-dito k-ka nakatira" turo ko pa sa gate kung saan nasa loob noon ang isang compound.

"Oo, kalilipat lang namin kaninang 12:00 am. "

Ang Augustine's Compound. Naalala ko nga palang pinagbili nila Tito ang bahay nila. Shakss !!Pahiya ako ng Sobra.

Umuna siyang pumasok sa loob at sumunod naman ako. Halos katapat lang ng pinto namin ang pinto nila Xandrea. Kaya, Sinilip ko kung nasa loob na siya.

Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko. Ibinagsak ang sarili sa kama at kinuha ang unan para itabon sa mukha ko. Nagsisipa ako at aksidente kong nasipa ang table ko.

Ang Babaeng TiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon