Tycho's PoV
Nagising na lang ako sa aking higaan dahil kinukulbit at kinukulit ni kuya Geo. Pinipilit niya na akong bumangon dahil tatanghaliin ako sa pagpasok. Kailangan ko ng bumangon para makakain man lang ng almusal. Dahil, makakain na naman ako ng pagkain na hindi galing sa labas at hindi luto ng ibang tao masaya akong bumangon.
Nakita ko ang lamesa sa aming dining are na puno ng masarap na agahan. May pandesal, gatas, kape,sinangag,itlog at bacons. Magandang araw 'to para simulant ang bagong kabata ng buhay ko. Nainis man ako kahapon malay mob aka ngayon masaya na ang kapalit.
"Tycho, kumain ka na!" aya pa ni kuya.
"Ito na nga oh, wow! kuya andami mong niluto" sabi ko pa habang tumutulo ang aking laway dahil sa nasa harapan ko ngayon.
"Naman, Na miss ko ang magluto"
"Sana araw-araw ganito sabi ko pa.
'Wait panaginip ba 'to? Paki-sampal nga ako'
*REALITY
"Tycho! Tycho!" Gising pa ni kuya Geo sa akin."Magluto ka na ng almusal natin" ungot pa ni kuya.
"Eih, Ako ang magluluto?" kamot ko pa sa aking batok."Ni, Hindi nga ako marunong magluto ng instant noodles tapos ako ang magluluto?"
"Hindi nga, Nakapagluto ka nga ng adobo para kay Drea. Hahaha" tawa pa ni kuya.
"Hindi ako ang nagluto nun alam natin 'yun uy! Gusto mo i-Flashback natin." Sabi ko pa.
'Author paki Flashback nga!'
Flashback...
"Tok..Tok..Tok.." katok pa sa may pinto.
"Kuya, may tao" sabi ko pa kay kuya dahil binabasa ko pa ang librong hawak ko. "Kuya! May tao" ulit ko pa dahil hindi ako pinansin. Tiningnan ko pa kung ano ang ginagawa niya.Naka headphone na naman siya habang naglalaro ng online game sa laptop nya.
Wala akong nagawa kundi buksan ang pinto at tingnan kung sino ang tao. Si Tita Bela pala.
"Ah, Tita ano po 'yun?" tanong ko sa kaniya.
"Tycho, Yayain ko sana kayong kumain sa amin. Pwede ba?"
"Eih, kase..po ano?"
"Sige, aantayin ko kayo"
"Hi..."
"Aantayin na kita"sabi ni tita.