Chapter 5

25 0 0
                                    

Tycho's PoV

Nakabalik na kami ng room ng 3a-1 galing sa clinic ng Montsales University. Busy ang lahat sa kaniya-kaniyang mga gawain maliban kay Betty na nagngangat-ngat ng kuko. Mangilid-ngilid na ang luha niya. Tumakbo naman papalapit sa kaniya si Drea.

"Ano ang nangyari sayo bakit paiyak ka na?" alalang tanong ni Drea. Niyakap niya ito.

"Eh, kase, iniwan niyo ko" nagsimula ng pumatak ang mga luha sa kaniyang mata.â€Huhuhu, kayo pa lang naman ang nakaka-usap ko dito. "Di ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Napaka-advanced ng mga utak nila." Inalis ni Betty ang pagkakayakap ni Drea at tumakbo palapit sa akin." Cho-cho, pwede ba lagi mo na lang akong kasama? Hindi ko pa kasi alam kung ano ang mga dapat gawin" pagmamaka-awa ni Betty.

Nagkatinginan kami ni Drea dahil sa nakakatawang itsura ni Betty. Masiyado siyang pa-cute at dahil dun kaya ako napapayag. Nakita ko nang ngumiti si Betty. At, bahagyang nainis ako dahil ng umeepekto n gang kagwapuhan ko sa babaeng ito. Nagulat naman ako dahil biglang tumayo si Drea.

"Ako ang bahala sayo Betty. "Wag na nating istorbohin 'yang si Potchie" si Drea. Heto na naman siya.

"Eh, gusto kayong dalawa ang kasama ko dahil hindi ko pa masiyadong alam ang mga sinasabi nila. Tulad na lang ng basta yung sa Physics 'yung may mga law" humarap sa akin si Betty.

"Sige, Kami ang bahala sayo si Drea.

"Cho-cho, tutulungan mo ako ha?" si Betty na yumapos sa braso ko. Naiilang ako sa ginagawa niya.

"O sige, basta bawasan natin 'yung payapos sa braso ha?" Sabi ko sa kanya.

"Eihh, sige na nga." Pabebe niyang sabi.

Umupo na kami sa aming upuan. Kinuha ko na ang mga notes ko noong nakaraang lingo. Notes 'yun para sa buwan na 'to. Pinahiram ko kay Betty para naman may format siya sa pagno-notes. Sa totoo lang wala akong important terms na nailagay. Pero, madaling intindihin 'yung mga notes ko.

Saglit akong napatingin sa gawi ni Drea. Seryoso ang mukha niya. Tutok siya sa mga binabasa niya. Ewan ko lang kung paano niya na tatandaan ang lahat ng pinag-aaralan niya. Gan’ong isang beses niya lang binabasa ang isang libro. Talagang kakaiba ang babaeng tibo na ito. Si Betty naman maya't-maya na nagtanong. Papansin lang. Kase naman, sinasala ang lahat ng pumapasok sa section ng 3a-1. Hindi basta-basta ang mga test at requirements para makapasok sa grupo naming. Katulad nga ng ginawang test ni Drea na akala ko remedial lang. 'Yun pala pinaulit 'yung test na na-perfect niya.

Ang Babaeng TiboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon