Mahalaga ba ko para sayo?

61 0 0
                                    

Sabi mo sakin mahalaga ko sayo pero bakit nung kailangan kita iba inuna mo.
Sabi mo saakin hintayin kita pero noong hinintay kita nalaman kong abala ka pala sa iba.
Nangako kang pupuntahan mo ko pero sabi mo nakalimutan mo.

Hindi ako nagalit at inintindi kita kase alam kong abala ka sa kanya.
Inintindi ko ang mga dahilan mo dahil alam kong importante iyon sayo.
Ayokong magalit sayo kasi ikaw lang ang karamay ko.

Noong wala sya ako na ang inuuna mo.
Noong wala siya tayong dalawa lang.
At noong wala siya ako palagi mong kasama.

Alam mong ikaw lang ang meron ako.
Ikaw lang ang kaibigan ko.
Ikaw lang ang karamay ko.
At ikaw lang ang mahal ko kahit hindi mo alam.
Pero bakit ganoon hindi ko na alam ang pakiramdam na nandito ka sa tabi ko.

Oo nga pala kaibigan lang pala ako
Isang kaibigan na napag-iwanan
Isang kaibigan na laging nandyan kapag may problema ka
Isang kaibigan na tumatahi sa butas na ginawa niya

Pero ngayong mahina ako nilalayuan mo na ko.
Ngayong kailangan na kailangan kita nasaan ka na.
Mahalaga ba ko para sayo?
Ito ang tanong na laging nasa isip ko.
Ito ang tanong na gustong gusto kong itanong sayo
Kase pakiramdam ko nag-iba ka ng bumalik lang siya

Gusto ko sana sa mga natitira kong sandali kasama kita, pero nasan ka?
Ah oo kapiling niya
Gusto ko pa sanang lumaban pero wala naman na kong dahilan.
Ikaw lang naman ang dahilan ko para lumaban.
Pero ngayong iniwan mo ko parang sinasabi na sumuko na ko.

Nagpangap lang akong malakas tuwing kasama mo.
Pinalatili kong maging masigla habang kasama kita.
Kahit na yung katawan ko masakit at nang hihina na.
Ginawa ko yon kase ayaw kong mag-alala ka.
Ganon naman kase diba? Nagpapanggap ka kahit sobrang sakit na.

Naging mahalaga ba ko sayo?
Sa tingin ko NAGING mahalaga naman ako sayo NOON pero hindi ngayon.
Ibang iba ka na sa pagkakakilala ko sayo dati.
Bumalik lang sya kinalimutan mo na ko.
O baka naman panakip butas lang ako sa pangungulila mo sa kanya.

Napakasakit na maging panakip butas
Ang sakit maiwanan sa ere
Mas lalo masakit ay yung makita mo ang mahal mo na may mahal na iba
Pero ano ba magagawa ko
Ano bang ipaglalaban ko
At higit sa lahat may ipaglalaban ba ko.
Mahirap lumaban kung mag-isa ka lang.
Ikaw lang ang lumalaban dahil nakasuko na siya sa iba.

Kaibigan lang kase ako.
Wala namang KAMI at TAYO sa aming dalawa
Kaya wala akong karapatang magalit
Wala akong karapatang angkining ka
Kaya wala na akong karapatang ipaglaban ka

Pero kahit na ganon nagpapasalamat parin ako sayo.
Kahit papaano naranasan kong sumaya kasama ka.
Nakalimutang ko ang lahat ng sakit noong kapiling pa kita.
Masaya kong nakilala kita.

Wag kang mag-alala kung iniisip mong galit ako kasi hindi naman, sino ba naman ako para magalit sayo.
Pero tatandaan mo mahal na mahal kita hanggang sa huling sandali ng buhay ko.
Kahit na yung puso ko wasak na wasak dahil sayo.

Nagmamahal ng lubos,
Ang iyong matalik na kaibigan

Expressing My FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon