Isa isa kong binubuo, dahan dahang ginagawa, habang pinapatibay ay sinisigurado ang bawat detalye dahil sa isang pagkakamali maraming buhay ang mawawala.
Ako lang ba ang kinakabahan, na sa tuwing gagawa ay kaligtasan ng nakararami ang dapat isinasaisip. Marahil ang iba ay natatawa kung bakit kailangang kabahan, kung sanay naman nang gawin. Sa palagay ko ay mali sila, hindi biro ang paggawa nito, na kapag natapos, ayos na. Maraming panahon ang ginugugol at mahalaga ang bawat desisyon. Dapat sinisigurado ang bawat kilos at kalkulado ang bawat hakbang.
Mahirap mang gawin ay masaya akong ginagawa ito, dahil sa bawat nagawa ko ay maraming tao ang humahanga rito. Nakatutuwang isipin na nagustuhan nila ito at nagawa kong ligtas ang bawat sulok. Kung saan pagsisikap at kaalaman ang puhunan ko rito.
Isa akong guwagawa ng disenyo ng mga estraktura. Isang trabahong maipagmamalaki ko. Sa bawat estraktura ay sinisigurado kong matibay.
Ang paggawa nito ay parang paggawa ng isang matibay na relasyon, kailangang may matibay na pundasyon para tumagal at hindi masira.
BINABASA MO ANG
Expressing My Feelings
RandomAng lahat ng nakapaloob dito ay one shot, essay at tula na English at Tagalog