Gaano nga ba kahalaga ang pag-aaral?
Sa mga magulang natin na nagkukumahog na tayo'y pag-aralin, wala silang mapamamanang yaman kundi ang edukasyon sa atin.
Kailangan na mag-aral tayo ng maigi upang sa pagdating ng panahon ay maibalik natin ang paghihirap ng mga magulang na tayo'y pagtaposin sa pag-aaral.Marahil marami sa atin na gustong magkaroon ng magandang trabaho kaya nag-aaral o kaya naman ay para matupad ang kaniyang pangarap. Mahirap mag-aral, ngunit bakit ba natin to pinaglalaan ng oras? Pwede namang magnegosyo nalang o magtrabaho para makatulong sa magulang kaysa guguling ang oras sa pag-aaral. Maraming dahilan para mag-aral tayo, para sa kinabukasan at ikauunlad natin.
Ngunit iba sa atin ay balewala ang pag-aaral, pumasok sa paaralan para lang magkabaon na igagamit lang naman sa paglalakwartsa, ang iba naman ay cutting classes ang ginagawa. Paano natin masysuklian ang mga magulang natin kung sa pag-aaral palang hindi na pinagbubuti.
Sabi nga, ang edukasyon ang susi sa pag-unlad. Maghigit isa't kalahating dekada tayong mag-aaral para makuha ang diploma na katunayang tayo ay nagtapos. Hindi mapapantayang ligaya ang madarama mo sa nakamit na tagumpay.
BINABASA MO ANG
Expressing My Feelings
RandomAng lahat ng nakapaloob dito ay one shot, essay at tula na English at Tagalog