Mahal na ata kita

4 0 0
                                    

Alam mo yung pakiramdam na napaka saya mo kapag kasama ko sya. Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko tuwing nakikita ko sya. Basta ang saya ko tuwing kasama sya.
Para kong baliw na ngumingiti mag-isa, di ko naman mapigilan kasi iniisip ko sya. Ano ba itong nararamdaman ko para ko nasa ulap. Ngumiti lang sya masaya na ko buong araw. Kausapin lang nya ko para kong sasabog sa saya.
Tinanong ko ro sa iba sabi nila inlove daw ako. Diko alam pero napangiti lang ako. Siguro nga mahal ko na sya.
Lagi syang nasa isip ko. Namimiss ko sya kahit ilang sandali ko palang na hindi nakikita. Laging bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing naglalapit kami. Ang sarap nyang kasama at hindi ka magsasawa. Sabihan nyo mang akong corny pero iyong talaga yung nararamdaman ko para sa kanya.
Napapangiti na lang ako tuwing iniisip sya. Kapag malungkot sya gusto ko ako lang ang magpapasaya sa kanya. Nagseselos ako pag may kasama syang iba pero hindi ko dapat yon sabihin kasi wala namang kami.
Kaya maglalakas loob na kong magtapat sa kanya. Hindi man ako sigurado na masusuklian nya pero handa akong sumugal para lang sa kanya.
Worth it naman siguro kung ipaglalaban ko ang pagmamahal ko para sa kanya. Di ba kase pagmahal mo gagawin mo ang lahat para mahalin ka rin nya.

Expressing My FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon