Hinahanap-hanap ka

18 0 0
                                    

Alaala mo ay hindi ko talaga makalimutan. Ang iyong matamis na ngiti, maamong mukha, mga masasayang alaala nating magkasama. Lahat ng iyon hindi makalilimutan lalong lalo na ang imahe mong nakangiti sa akin.
Wala ka man ngayon sa aking tabi, lagi ka lang sa puso ko. Bakit kasi ang aga mong umalis, bored ka na ba kaya umalis ka na? Ang daya-daya mo alam mo ba yon kasi hindi ka man lang nagsabi, hindi kaman lang lumaban pa. Dahil ba ito sa pag-aaway natin kaya sumuko ka na? Alam mo, ang hina mo naman, konting away lang bumigay kana, hindi ka man lang nagpaalam, agad ka na lang umalis ng walang paalam.
Heto ako ngayon hinahanap-hanap ka, nangungulila sa presensiya, nagsisisi sa mga nagawa. Hindi ko naman kasi sinasadiya na awayin ka, syempre nagagalit din ako, hindi naman ako santo na hindi nagkakamali. Isa lang naman din akong taong nakararamdam ng selos, inggit at galit. Kaya nga ngayon ay nagsisisi ako pero wala ng magagawa ang pagsisising iyon kaya tatanggapin ko na lang na wala ka na.
Sa tuwing naalala kita nalulungkot ako dahil wala ka na para damayan ako, wala kana para pasahin ako tuwing nalulungkot. Sana bigyan ako ng pagkakataon ng humingi mg tawad sayo. Pero hanggang sana nalang yong.
Maging masaya ka sana kung nasaan ka man. Salamat sa lahat ng masasayang alaala, at mga ngiti mong singliwanag ng araw na hindi ko malilimutan. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Expressing My FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon