Chapter 5

215 12 0
                                    

Chapter 5

A/N: Tinatamad na akong mag-edit. Thanks online readers! :) Enjooooy! Lance sa side. :)

“How’s work?” kasama ko si Hayley ngayon sa hospital.

Magpapacheck-up kasi siya sa sakit niya.

May cardiac dysrhythmia  kasi si Hayley. Ito yung irregular palpitation ng heart niya. Namana niya daw ito sa lola niyang may sakit din sa puso.

Bawal sa kanya ang sobra. Bawal tumawa ng sobra, bawal maiyak ng sobra, bawal sa sobrang excitement at bawal sa sobrang pagkain baka kasi manikip dibdib nito at di makahinga ng maigi.

Kaya siya palaging nadadayo nung high school sa clinic eh mga symptoms na pala yung mga panghihina niya at etc.

“Just keep your medication Miss Locsin, pag naninikip ang dibdib mo o kung may iba ka pang nararamdaman, just don’t forget to take always your medicine.”

Binasa ni Hayley ang nasa reseta.

“Wala ka bang may nararamdaman na kakaiba?” tanong ko sa kanya. Hawak ko ang kamay niya na nanlalamig.

Minsan nga kahit napakainit ng panahon eh malamig yung kamay niya.

“Meron. Bumibilis tibok ng puso ko sa tuwing kasama kita.” Ngumiti siya na kulang na lang magningning ang mga mata niya sa kakangisi.

“Mangbiro pa daw.” Siniko-siko ko siya kasi kinukurot niya ang braso ko.

Umupo na ang doctor at may binigay na bagong reseta sa kanya.

“Ayan na Miss Locsin. Basta pag may nararamdaman kang kakaiba bumalik ka kaagad dito ha?” bilin sa kanya ng doctor pagkatapos ibigay ang prescription.

“KFC tayo ha.” Sabi niya sa akin ng nasa loob na kami ng sasakyan.

“Diba, bawal ka sa mga cholesterol.” Pagreremind ko sa kanya.

“Cholesterol agad? Wala naman masyadong oils yun. Sige na please.” Nagpout pa siya.

“Haaaay. Okay okay.” Hindi naman ako makatanggi sa kanya. Minsanan lang kasi siya magpumilit na kumain doon. Baka nga palaging burger at fries na naman ang ioorder niya, naku! Cholesterol yun.

Doon na lang kami sa mall kung nasaan ang drugstore na pinagtatrabahuan niya, may KFC rin naman doon eh.

“Oh. Hayley.” Bati sa kanya ng nakasalubong namin na si Lance na may mga kausap na empleyado dito sa mall.

Pinagmasdan ko naman ng mabuti ang mukha niya na parang familiar din sa akin pag nagside-view siya.

“Wala kang pasok sa trabaho?” tanong niya kay Hayley.

“Ah. Nagday-off ako para magpacheck-up. Ikaw? Busy yata ah.”

“Ah, hindi naman. Hinihintay ko lang yung delivery ng ibang stocks.”

“Alis na tayo.” Bulong ko kay Hayley. Naiirita kasi ako pag nasa harap ko yang si Lance.

Ewan ko ba kung bakit kumukulo dugo ko sa kanya kahit sa isang tingin lang.

“Ah. Ah. Alis na kami Lance.” Paalam niya. Tumango lang ako sa lalake saka naming siya tinalikuran para kumain na ng lunch.

Mabuti na lang at hindi masyadong matao dahil weekdays ngayon kaya hindi kami nahirapan makahanap ng mauupuan.

“Ikaw na mag-order. Chicken ala-king lang yung akin at pineapple juice.” Iniwan ko siya sa upuan at naglakad papuntang counter.

Naghihintay ako sa priority number ng order ko nang may nakita na naman akong familiar na mukha.

“Ate, upo ka na doon. Ako na mag-oorder. Lagay mo doon mga pinamili natin.” Bilin niya doon sa naka-maid uniform na babae na medyo may edad na din. Nginitian siya ng babae at nginitian niya din ito.

Ah! Siya yung babae na intern!

“Oh, sir. Good afternoon.” Bati niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya. “Mag-isa po kayo? Sama ka na lang po sa amin ng yaya ko. ” mayaman yata siya.

“Ah. Hindi, kasama ko fiancée ko.” Turo ko doon kay Hayley na nakaupo sa di-kalayuan.

“Ahhh.”

Kinuha ko na yung inorder ko at umalis na sa counter.

Her expression was weird when she saw Hayley.

I don’t know but those expressions were giving me goosebumps. Masyado itong  familiar sa akin.

Kumakain na kami ni Hayley ng may mga pumasok na lalake na nakauniform. May mga radio sa bewang at nakalagay sa tenga ang mga earphones nito. Pinalibutan nila ang isang table kaya hindi ko makita kung sino ba iyon. Baka artista? Baka si Sandara Park? Crush ko yun!

“Miss, umuwi na daw po kayo.” Rinig ko sa  isang lalake.

“Ba’t ba kayo nagmamadali? Uuwi ako. Hindi ako tatakas or what. Chill guys. Sit down. I’ll order you some food. Have you eaten lunch?” rinig ko na sagot ng isang babae na baka yun yung pinalilibutan nila.

“Ma’am sabi ni Sir umuwi na daw po kayo.” Ulit ng lalake.

“I said that I will go home later at patapusin niyo nga akong kumain. Nagmamadali?”

Tumalikod ang isang lalake at sinagot ang cellphone niya na nagriring.

“Sir, yes po……….. Nakita na po namin siya…………. Ayaw niya pa pong umuwi……. Okay po.” Humarap siya ulit sa table.

Pinagtitinginan na sila ng mga kumakain dito, yung iba ay umalis na at hindi tinapos ang kinakain.

Hinawakan ko ang kamay ni Hayley baka kasi kinakabahan siya.

“Are you okay?” hinawakan ko ang kamay niya.

“Ofcourse. Ang rude naman ng mga lalakeng yan. Kumakain pa yung amo eh.” sabi niya tsaka nagpatuloy sa pagkain.

“WHAT! WAIT! YAYA!” sigaw ng babae tiningnan ko kung sino ito at nakitang si Dana iyon. Yung binubuhat ng mga lalake.

“Oh.”

“Bakit?” sinundan naman ng tingin ni Hayley ang mga lalake na dala ang intern.

“Kilala ko yun eh. Intern ko yun.”

~~

Please read my other story... Thank you! :*

You're Mine, Right?(JulQuen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon