Chapter 9

168 6 1
                                    

Chapter 9

*Some contents may not be appropriate to minor ages.*

Dave's POV

It has been days na hindi ko kinaausap at pinapansin si Hayley kahit tinetext at tinatawagan niya ako. I’m busy and she’s too. I still can’t absorb things. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko. Basta yung alam ko sa ngayon ay aalis na si Hayley at iiwan niya na ako.

I can feel the pang that was stinging inside me. Ang sakit ng feeling na kay Lance pa niya inunang sabihin iyon kaysa sa akin. Maiintindihan ko naman e. Pangarap ni Hayley yung makapagtrabaho sa labas ng bansa at hindi ko pipigilan yun, pero kung hindi ko pala sila nahuli ni Lance ay hindi ko pa malalaman yun? Ano kaya yun? Iiwan niya na lang ako ng basta-basta?

Yayayain ko na sana siyang magpakasal na talaga kami because I know, ako na lang yung hinihintay niya na sabihin iyon sa kanya pero hindi ko inaakalang makikita ko siya kasama yung pinaka-ayaw kong makitang tao na kasama niya.

I need to calm my mind bago ko muli kausapin si Hayley. It won’t take too long, magrerelax muna ako dito sa resort kasama ang mga co-workers and interns, team building ito that was sponsored by the Cambridge interns.

“Lance!” lumapit sa akin si Richard na may dalang can of beers. “Mag-relax muna tayo.”

Umupo lang kami on one of the canopy near the shore and watched the people enjoying at their night swimming.

“May problema ka ba, Dave?” tanong ni Richard at binuksan ang isang can at ininom.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa malayo. “Si Hayley kasi e.”

“Bakit? Nagbreak ba kayo?”

“Hindi mangyayari yan,” sabi ko sa kanya at ininom rin ang laman ng beer. Damang-dama ko yung pait pero mas mapait isipin ang paghihiwalay naming ni Hayley.

Hindi ko ma-imagine ang sarili ko kasama ang ibang babae. Nasa kay Hayley lang talaga yung isip ko sa hinaharap at kinabukasan ko.

I love Hayley, eversince and even though na iniiwasan ko muna siya ngayong makausap, hindi pa rin maiaalis sa akin na mahal ko talaga siya at gusto ko siyang pakasalan. She was part of me na hindi ko kayang pakawalan ng basta-basta na lang.

I drank almost the contain of the can. It stings, right through my heart that Hayley is still attached to Lance. Hindi ko alam if why do I really don’t like the guy. Just the mere mention of his name really irritates me.

“Aalis si Hayley,” sabi ko sa kasama kong si Richard na nagsa-sightseeing sa mga naka bikining nagna-night swimming.

Tiningnan niya ako habang nilalagok ang iniinom niya. “Iiwan ka niya?”

“At ayoko yang mangyari,” binulsa ko yung kamay ko dahil medyo nagiginawan na rin naman ako sa preskong hangin ng dagat.

“Akala ko ba magpapakasal na kayo?”

“Dapat. Yayayain ko na sana siya ulit na magpakasal pero parang huli na ang lahat. Aalis na siya at iiwan niya ako dito sa Pinas,” paubos na yung iniinom ko at nagbukas na naman ng isa si Richard at tinungga ito.

“Maghanap ka nang ibang babae,” tumawa siya ng mahina at tumingin sa mga dumadaan sa harap naming. “Tingnan mo yang si Dana, gandang babae,” turo niya dun sa bagong intern na kasabay sa dumadaan sa harap naming.

Kung tutuusin nga tama si Richard, hindi lang maganda si Dana, mukha siyang diwata na may mga kutitap na kumikislap sa paligid niya, maganda rin yung hubog ng katawan niya, makinis ang balat, ni walang peklat ng kagat ng lamok, matalino at mas bata. Kung wala lang akong Hayley sa buhay ko, siguro magkakagusto ako sa kanya pero meron ring may kung ano kay Dana na hindi mo mawari. Para siyang isang illusion art na hindi mo talaga makita kung ano ang pinapakita niya, may first look and second look kumbaga.

You're Mine, Right?(JulQuen FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon