Dave’s POV
Nasa canteen ako ngayon kumakain ng lunch kahit 10 am pa lang. Marami na kasing tao na kakain dito mamaya kaya sisikip na dito at iingay. Ayoko pa naman yun.
Itext ko nga si Hayley kung nakakain yun ng breakfast, baka kasi burger at fries lang laman ng tiyan nun eh. Mahirap na magkasakit no! Pakakasalan ko pa kaya yun!
“Dave!” tawag sa akin ng kasamahan kong nurse.
“Oh, ate Lyn. Kain tayo!”
“Ah, sige kain lang. Siya nga pala Dave. May mag-iintern dito kaya punta ka mamaya sa nurse room mga 2:30.” Tumango lang ako bilang sagot dahil puno ang bibig ko ng kanin.
Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na rin siya sa harapan ko.
“Oh, nurse Dave!” bati sa akin ni Richard sabay higit ng upuan sa tabi ko.
“Kain tayo.”
“Nurse! Daming chicks mamaya na intern!” sabi niya na parang kinikilig.
“Wag mo akong isali sa kalokohan mo chard ha!”
“Eto naman. Bawal ba magpakafriendly mamaya?”
“Trabaho Chard. Trabaho yang dapat isipin mo hindi yung mga intern.”
“Palibhasa kasi ang tisoy mo.”
“Tss. Loyal ako sa asawa ko.”
“Asawa ka diyan. Di pa nga kayo kinakasal eh. Pwede ka pang magliwaliw.”
“Oy. Liwaliw mo pagmumukha mo. Umalis ka nga nawawalan ako ng ganang kumain eh.” Pagtataboy ko sa kanya. Sapat na sa akin si Hayley no. Chicks kaya yun.
“Ah basta. Kita tayo sa nurse room nurse Dave!” tumayo siya at nagsalute pa sa akin.
Hindi ko ipagpapalit si Hayley kahit kanino noh!
Kahit may pagkamadre yan at once in a blue moon lang ako hinahalikan ay okay lang yun.
Hindi lahat ng bagay binibigay sa isang oras lang.
Marami pa kaming taon na pagsasamahan kaya dapat marami pa akong malaman sa kanya.
Pagkatapos kong kumain ay naglog-in na ako at pumunta na sa trabaho ko, sa pedia section. Kaharap ko palagi ang mga bata. Mahilig kasi ako sa bata. Gusto kong magkaanak ng marami kay Hayley.
Minsan nga nandoon rin ako sa nursery room, ang cute kasi ng mga bagong silang na bata.
“Dave, kunan mo nga ng mga temperature ang mga bata.” Utos ng doctor sa akin kaya inisa-isa ko naman ang mga bata.
“Nurse, may asawa ka po?” tanong sa akin ng batang si Lily. Madalas siya dito pumunta sa weekly check-up niya para sa sakit niya.
“Malapit na.”
“Ako na lang asawa mo.” Sabi niya sa akin habang nakangiti ng malapad.
“Dapat pagaling ka muna.” Ginulo ko ang buhok niya pagkatapos kunin ang temperature niya.
“Dave, di ba may meeting kayo doon na mga nurse? Quarter to 3 na ah. Punta ka muna doon. Wala na namang masyadong pasyente ngayon.” Sabi ng doctor sa akin. Naaliw kasi ako sa ibang bata na umiiyak.
“Ah, sige doc, balik ako agad.”
Iniwan ko munang mag-isa si Doc. Dennis. Siya na ang tumayong tatay ko sa loob ng apat na doon. Ni minsan kasi hindi ko nakilala ang ama ko. Sabi ni mama iniwan daw naming siya kasi inuuna ang trabaho kaysa sa amin. Hindi naman ako galit sa ama ko dahil natural lang naman sa lalake ang dedicated sa trabaho dahil para rin naman iyon sa kinabukasan nila diba? Pero hindi ko pa nakita ni minsan ang ama ko. Baka patay nayun.
“Oh! Andito na pala si nurse Dave! Siya yung nasa pediatric section.” Pakilala niya sa akin pagkapasok ko sa loob ng nurse room. “Sila yung mga mag-iintern dito galing sa University of Cambridge.” Turo niya sa mga naka-intern uniform na mga estudyante.
“Ah. Good afternoon. Let’s work together.” Bati ko sa kanila at saka tiningnan isa-isa.
May isang intern doon na may kahawig ang mukha. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita, basta parang kilala ko siya.
Ngumiti siya sa akin kaya parang iba yung pakiramdam ko.
“Sila Dave yung makakasama mo sa pedia.” Tumango-tango lang ako.
“Kailan sila magsisimula?” tanong ko sa head nurse namin.
“Bukas. Magtotour muna sila dito para hindi sila mahirapan sa pasikot-sikot sa pedia-section."
“Ah, sige. Pero sandali lang ha. Babalik kasi agad ako kay Doc, baka walang kasama yun.”
“Okay.”
Umalis na ako kasama ang mga mag-iintern para sa i-tour sila sa pedia-section.
Dumaan kami sa mga pinagpapacheck-upan, sa playing room, at sa iba pang room.
Anim lang naman sila na sasama sa akin eh kaya hindi naman siguro mahirap yun.
“Ah, ano nga pala mga pangalan niyo?” tanong ko sa kanila para naman magkagaanan kami ng loob at hindi mahirapan sa trabaho.
“Maya po.”
“Troy.”
“Carla.”
“Joan.”
“Jonel.”
“At ako po si Dana.” Siya yung babaeng tinutukoy ko kanina. Kinamayan ko silang lahat at pinagmasdan ko yung hitsura niya.
“Ah, sir. Yung kamay ko po.” Tiningnan ko naman ito at hindi ko namalayan na kanina ko pa pala hinahawakan ang kamay niya.
“Ay sorry. Nagkita na ba tayo dati?” tanong ko sa kanya at medyo namula naman yung mukha niya.
“Hindi pa po. Ngayon ko lang po kayo nakita.”
“Ah, ganoon ba. Ang familiar kasi ng mukha mo.” Hinarap ko silang lahat at nagbigay ng house rules sa mga mag-iintern dito.
Syempre ang pinaka-importante sa house rules eh yung mahaaaaaaaaaabang pasensya mo dahil bata ang hinaharap naming dito.
“Sige, maglibot na muna kayo. Punta na ako sa trabaho.” Paalam ko sa kanila saka sila tinalikuran.
Hindi talaga mawala sa isip ko yung mukha ng babae. Oo, inaamin kong maganda ito. Mataas, maputi, makinis. Mataas pa yata siya kay Hayley eh. Pero, may kamukha talaga siya eh. Ah! Ewan.
(A/N)
Thank you readers! :)
BINABASA MO ANG
You're Mine, Right?(JulQuen FanFic)
General FictionLove is selfless. Love is the center of people's life. But what will you do if someone you love was cheating on you? "Sometimes being too nice is dangerous, so you have to make your stands once in a while to avoid getting hurt." -- Lance.