Chapter 2: Worst Enemy

49 12 0
                                    

*EDITED as of Apr. 08, 2018*

Clauvi's POV

Today's another day and I have a feeling na magiging masaya ang araw ko. Mayron na akong mga kaibigan!

So, gaya ng ginagawa ko araw – araw – ligo, bihis, at kain.

Wala ngayon si Kuya Cyde kasi may pinuntahan siyang mahalaga. Walang iba kundi ang girlfriend niyang si Ate Cassandra! Half-Chinese and Half-Filipino. Maganda, mabait, maputi. Alam niyo, she's perfect for my Kuya!

May bakery shop si ate. Para daw sa future nila. Looking forward masyado si Ate, e.

Naalala ko nung nag-paalam sa'kin si Kuya...

Flashback

"Clauvi, may date kami bukas ni Ate Cass mo kaya hindi kita masasabayan bukas." Sabi sa'kin ni Kuya Cyde.

Katulad ng ibang mga bata, tinukso ko siya. It's my way of showing that I like Ate Cass for him.

"Tigil tigilan mo nga ako, Clauvi!" Pasigaw na sabi na'kin ni Kuya.

Pero hindi ang pagtaas ng boses niya ang napansin ko, kundi ang kulay ng mga pisngi niya. "Ayiee namumula siya!"

"Matulog ka na ngang bata ka!"

"Sige Kuya. Good night! Enjoy ka sa date mo bukas."

"Night."

End of flashback

Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Malapit na pala akong ma-late.

Katulad ng kahapon, nagpapahatid lang ako sa kanto ng school. Nakakapagod ding maglakad pero buti nalang hindi ako madaling pagpawisan. Plus, hindi pa ko amoy araw.

Pagkapasok ko ng gate, nagulat ako nang may biglang umakbay sa'kin. Si Nate. Ang kulit talaga nito.

Kasama nila si... Reideen?

What the-?

Inirapan niya lang ako nung nakita niya akong nakatingin sa kanya. Bakla ba 'to?

"Kanina ka pa namin hinihintay, Clauvi. Ang tagal mo." Sabin i Nate nan aka-akbay pa rin sa'akin.

Napangiti na lang ako. "Sorry! Di ko alam na hihintayin niyo ko."

"Dapat kasi alam mo." Sabat ni Reideen

"Ano ako? Mind reader para malaman?"

"Tsk." Narinig ko galling kay Reideen.

Hindi ko alam kung bakit pero nakakakulo ng dugo 'tong lalaking to. Ang aga-aga, pampa-bad trip! "Yan lang ba alam mong tunog? 'Tsk'?"

Nang sabihin ko sa kaniya 'yon, bigla siyang nag-walk out. Ulit.

At least hindi lang ako ang naiinis ngayong umaga.

Sa tabi ko, naririnig kong tumatawa ang bagong dating na si Michelleane. "The best ka, Clauvi. Naasar mo si Kuya!"

Sumang-ayon naman sina Nate, Zylen, at Zoren habang tumatawa.

Nang matapos silang magsi-tawanan, nag-aya na kong pumunta sa mga room namin.

Nang makapunta kami, kaagad akong sinalubong ng masasamang tingin.

Katakot 'tong mga taong 'to.

May narinig akong bulungan ng mga napakalakas naman ang mga boses...

"Gold digger talaga siya!"

"Oo nga, e! Nung isang araw ang kasama lang niya si Michelleane ngayon naman pati ba naman sila Nate at Zoren natin." Sa mga salita pa lang niya, ramdam ko na ang irap niya.

Worst Enemy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon