*EDITED as of Apr. 08, 2018*
Clauvi's POV
Iniisip ko pa rin yung kahapon. Sino kaya siya? At bakit niya ako hinalikan sa noo?
Pakiramdam ko nung time na 'yon lumulundag ang puso ko.Relax, Collins. Kinabahan ka lang na bad breath yung lalaki.
Ang dami kong mga tanong. At imposibleng masagot yung mga 'yon.
"Clauvi Baba na ! Kain na ! " Narinig kong sumigaw si Ate Dess.
Nagmadali na kong bumaba. Malilintikan ako sa kaniya kapag hindi.
Pagkababa ko, umupo na agad ako sa harapan ng dining table.
"Wala na naman po si Kuya?" Tanong ko kay Ate Mel, ang isa sa mga 'maid in action' namin. Hindi ko alam kung bakit gano'n tawag nila sa sarili nila pero 'di na ko nangingialam.
"Busy na busy ang Kuya mo sa pag-aaral niya. Gusto niya talaga na maging maganda yung future nila ni Cassandra."
Kinikilig ako! "Si Kuya talaga in love na in love kay Ate Cass."
"Ganyan talaga nagagawa ng pag-ibig." Pati si Ate Mel kinikilig. "'wag kang mag-alala. Balang araw mahahanap mo din yung sayo."
"Ate Mel! Tigil-tigilan niyo na nga po si Clauvi. Ang bata-bata pa niyan!" Nakakatawa sila. Mas matanda si Ate Mel pero mas mature si Ate Dess.
"Bakit ba, Dess. Dadating rin siya sa point na 'yon."
Nagulat ako nang hatakin ni Ate Dess si Ate Mel palabas.
~~~
Pagkadating ko sa school pumunta na agad ako sa classroom naming. Pero wala pa rin sila Michelleane duon. Tanging si Reideen lang. Hindi ba sila sabay-sabay?
Mauupo na sana ako nang biglaang may humatak nito. Tapos may nahulog sa'kin na mga gamit. Tatayo na sana ako nang may mahawakan akong cutter na bukas.
Shit. Nagdudugo.
"Aray!"
Mabilis kong tinago ang isang kamay ko. Kailangan ko na 'tong linisin.
Nagtawanan silang lahat. Kasama si Reideen.
Nakaka-inis talaga pagmumukha nito.
"Sinong gumawa no'n?" Tinanong ko kahit alam kong tanga lang magsasabing siya yung humatak sa upuan ko.
"Ako!" Nakataas pa ang kamay ni Reideen.
May tanga nga pala sa school na 'to.
And then, I saw red. Hindi lang dahil may nakita akong kulay pula sa pader, kundi dahil sa sobrang galit ko, tumakbo ako papunta sa kaniya at sinuntok siya nang sinuntok.
Namalayan ko lang na nakaupo na pala ako sa tiyan ni Reideen at sinusuntok siya nang may pumatak na luha galling sa traydor kong mata.
Ang sakit na ng kamay ko.
Tawa pa rin nang tawa si Reideen. Nakangiti siya nang tinanong niya ko, "Ba't umiiyak ka? Did I hurt your feewings?"
Shit. Shit. Shit. Natuluan ng dugo yung damit niya. Hopefully, walang makakapansin.
"Masyadong nakakatakot 'yang mukha mo! Mukha kang orangutan!" Dinuro-duro ko pa siya for special effects. Tapos, tinulak ko para dramatic. "Lumayas ka nga sa harap ko!"
Pero bago pa ko maka-alis, nahawakan niya ang pulsuhan ko. Yung may dumudugo.
"This is my payback, Collins. And this is only the start." BInulong niya sa'kin pero alam kong lahat ng nandito ay narinig iyon.

BINABASA MO ANG
Worst Enemy (ON-HOLD)
Teen FictionSofia Clauvi Collins - the girl who transferred to Clinton High. Clinton High - ang eskwelahan kung saan niya nakilala ang pinaka-ayaw niyang tao. In other words, her worst enemy. ×•×•×•×•×•× "I'm your worst enemy and your worst lover, too." וו×...