*EDITED as of Apr. 08, 2018*
Clauvi's POV
Masakit pa rin ang katawan ko.
Dapat pala pumunta ako kahapon sa clinic para mapatingin yung likod ko.Pero nandito na ko sa school at hindi ko kasama sila Michelleane dahil ayaw kong makita si Reideen. Kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko siya.
Panget panget kasi, akala kung sinong pogi. English nang English! Nakaka-dugo ng ilong!
In the middle of my rant, nakarinig ako ng tumutugtog ng piano. Pinakinggan ko pa at narinig kong paborito kong kanta yung tinutugtog – A Thousand Miles.
Pumunta ako sa music room and –
'wag na pala. Bakulaw pala na panget yung tumutugtog.Lalabas na ko ng room pero biglang may natapakan akong candy wrapper.
Shit! Nakita niya ko! Patay! Patay!
"Subukan mong tumakbo. You'll regret it once I catch you." Rinig na rinig ko ang boses niya.
Bigla akong nanigas dahil sa sinabi niya.
"What are you doing here?"
Nag-inhale ako. Yung klase na hindi niya mahahalata. Kahit nanlalamig na ang mga kamay ko, tiningnan ko siya at tinaasan ng isang kilay. "Why do I need to explain to you?"
Pagkaharap ko, lumaki ang mga mata ko. Lumapit pala siya sa'kin.
Matagal niya kong tiningnan bago siya ngumisi. "You're following me, aren't you?"
"Wow!" Lumabas ang lahat ng takot ko dahil sa sinabi niya. "Ang hangin mo, Clinton. That will never happen."
"Who knows?" Tumawa siya ng slight. Slight lang para kumulo ang dugo ko. "Baka naman may gusto ka sa'kin."
Tiningnan ko siya ng masama "You're an asshole." At saka ako nag-walk out. Routine na yata 'yon ng isa sa'ming dalawa. Dapat talaga yung isa nagwa-walk out.
Napadapa ako ng nabangga ko pala si Kourtney, kasama ang mga alagad niyang sina Shenneia at Shainia, ang dalawang kambal niyang utusan.
"How dare you, bitch?" Tiningnan niya ko ng masama.
Pumikit na lang ako. Nakaka-highblood ang mga tao dito. "Sorry, di ko naman sinasadya. Nagmamadali lang talaga ako."
Nagkunwari siyang mag-isip at saka ako tiningnan. "No. I will not accept your sorry. You have to be punished."
Bigla akong hinawakan ng magkambal. Tinanggal ni Kourtney ang salamin ko at saka inapakan.
"'Wag!" Ang weird kong tingnan kapag wala akong salamin.
"Sinisigawan mo pa ako?" Sinabunutan niya ko.
Malapit na 'tong matapos. Onting tiis na lang.
Nagtaka ako kung bakit natigil bigla si Kourtney. At mas nagtaka ako sa pangalan niyang binanggit.
"R-reid-deen." Nakikita ko ang takot sa mga mata ni Kourtney.
"What did you do to her?"
Galit na galit siya. But why? Ano siya? Terittorial? Gusto siya lang nakaka-bully sa'kin.
"W-we were j-just t-teaching h-her a lesson." Sinabi ni Kourtney. Ang putla niya bigla.
Chance ko na 'tong makatakas.
"What the fuck, Kourtney! You don't have the right to do that to her!" Kitang-kita ko na ang... ano nga pala tagalog dun? Basta vein ni Reideen sa leeg niya.

BINABASA MO ANG
Worst Enemy (ON-HOLD)
Teen FictionSofia Clauvi Collins - the girl who transferred to Clinton High. Clinton High - ang eskwelahan kung saan niya nakilala ang pinaka-ayaw niyang tao. In other words, her worst enemy. ×•×•×•×•×•× "I'm your worst enemy and your worst lover, too." וו×...