Chapter 7 : Return

35 15 0
                                    

*Edited as of June 9, 2018*

Clauvi's POV

Nakatayo ako sa harap ng salaminan ko habang kinukulot ko yung buhok ko.

Nice.

Kaya ko 'to.

I went downstairs at agad akong sinalubong ni Kuya. May hawak-hawak siyang baso ng tubig at nang makita niya ko, lumaki yung mga mata niya at nabilaukan siya.

Agad akong pumunta sa kaniya para hindi mahulog yung baso.

"Kuya! Ayos ka lang? Ba't ang laki ng mga mata mo?"

"What happened to your glasses? And since when did you have contact lenses? You don't look ugly anymore." Sinabi niya sa'kin. I scowled at him. "I'm kidding, baby girl. You look terrific. Glasses or not."

"Thank you, Kuya."

"By the way, sinong naghatid sa'yo kagabi?"

Napangiti ako nang matandaan ko si Reideen. "My friend."

"Is it a boy or a girl?"

"A boy. But trust me, Kuya. He's just a friend."

"I trust you, baby girl. Just like I said, if you have any suitors, tell me. I won't get mad because you need to be happy too. Like me with your ate Cass."

"Ang sweet naman ni Kuya ko. Saranghaeyo Oppa!"

"Saranghaeyo, baby girl."

Nagulat ako nang biglang may bumusina sa harap ng bahay namin.

We looked out the window to see Michelleane waving at me.

"Kuya, nandyan na yung mga kaibigan ko. Susunduin yata ako."

"Okay. Bye baby girl. Ingat ka."

Tumakbo ako sa kanila at nakitang ang natitirang seat na lang ay 'yung nasa tabi ni Reideen.

I squeezed to go to the farthest seat. Napansin kong nagda-drive si Zoren, with a sleeping Zylen beside him. Sa likod nila naka-upo sina Michelleane at Nate.

"Are you sleepy?" Tinanong ni Reideen nang humikab ako ng pang apat na beses.

Tumango ako sa kaniya. When he saw this he tapped his shoulder and gently pulled my head to it.

"Bakit?"

"You can use my shoulder to sleep on. Malayo-layo pa naman tayo."

"Okay." I yawned. "Thank you."

~~~

"Wake up, Clauvi." Narinig ko.

Sumiksik pa ko lalo sa kama kong naging matigas. "Five minutes, Kuya."

Inalog alog niya ko kaya nagising na agad ako.

"Ikaw pala. Bakit?" Tinanong ko nang ang makita ko ay si Reideen.

"We're here."

I gave him a thumbs up habang kinakapa ko kung may muta ako.

Bumaba na kami at nakita ko ang mga nangingislap na mga mata nila Michelleane. Ano na namang naiisip ng mga 'to?

"Ang tagal niyo ah." Sinabi ni Nate.

Dumagdag pa si Michellane. "May ginawa pa kayo noh?"

"Tsk. We didn't do anything." Reideen told them.

"Malisyosya lang talaga kayo." Sinunod ko.

Pagpasok namin ng school, nagsilakihan ang mga mata ng mga lalaki. And the girls looked like they wanted to end me.

Worst Enemy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon