Chapter 3 : Savior

40 12 1
                                    

*EDITED as of Apr. 08, 2018*

Clauvi's POV

Maganda na sana umaga ko ngayon. Kaso lang naiisip ko na naman yung lalaking iyon. Reideen. Buwiset!

Nagulat ako ng biglang sumigaw si Kuya.

"Hoy, Clauvi! Anong nangyari sa'yo? Kinain ka na ba ng kwarto mo?"

"Saglit lang Kuya! At hindi ako kinakain ng kwarto ko!"

"Bilisan mo!"

Gaya nga ng sinabi ni Kuya Cyde binilisan ko na ang pagkilos ko.

Pagkababa ko, ang sama ng tingin niya sa'kin.

"Hi, Kuya kong pogi! Good morning."

Agad siyang ngumiti. Effective!

"Galing mo talaga, Clauvi!" At niyakap niya ako. "Good morning din!"

Naupo na kaming pareho. Naalala ko bigla yung date nila ni Ate Cass

"Kuya, kamusta date niyo?"

"Nothing special happened."

"Totoo ba?" Natatawa kong sabi habang dinuduro ko ang tagiliran niya.

Nagulat ako nang namula siya. I knew it! May special na nangyari!

Mukhang bakla si Kuya. Daig pa ako kung mamula yung pisngi.

"Wala nga! As I said, nothing special."

"E bakit namumula yung pisngi mo?"

"I said nothing! N.O.T.H.I.N.G!" Mukhang ilang minute na lang sasabog na ang ulo ni Kuya.

"Okay," I shrugged my shoulders. "Sabi mo, e. But I'm sure I'm missing something."

"Just eat your food already."

Pagkatapos kong kumain umalis nana.

"Bye, Kuya! See ya' later!"

"Tss. Sige na umalis ka na!"

~~~

Pagkadating ko ng school hinanap ko agad sila Michelleane.

Nakita ko sila agad. Nakita ako ni michelleane at kinawayan niya ko.

"Clauvi! Halika dito. Dali!" pagaaya sa'kin ni Michelleane.

Bigla naman akong niyakapa ni Nate.

Isip-bata talaga 'to.

"Hoy, Nate! ang hilig mong mangyakap."

"Bakit? Gusto mo rin ba, babe?"

"Yuck! No! Never!"

"Guys, ayan na naman kayo." Awat ni Zylen sa kanila, sabay batok kay Nate.

"Oo nga! Buti pa kami ni Zylen my loves." Biglang niyakap ni Zoren si Zylen sa likod.

Namula si Zylen. May gusto pala siya kay Zoren. Si Zoren naman kasi akala ko matino. Yun pala may kalokohan din.

"Tigilan mo na si Zylen, pre. Tignan mo, mukhang na siyang kamatis."

"Hindi kaya ! Mahiya nga kayo kay Clauvi!" Mukha ngang kamatis si Zylen

Nakangiti lang si Zoren.

"Stop laughing! It's irritating." Biglang may sabi ng isang nakakairirtang boses.

Worst Enemy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon