Chapter 8 : Misunderstood

40 13 0
                                        

*EDITED as of July 21,2018* [Yes, alam kong matagal akong mag-edit -B.]

Clauvi's POV

Tumunong ang alarm ko at namali ako ng pindot. Imbes na snooze, napindot ko sa dismiss.

No choice. Kailangan ko nang bumangon.

At unang nakita ko ay 'yung mga damit na hinanda ko kahapon. Sayang lang effort ko.

Pagbaba ko ng hagdan nakita ko si Kuya Cyde at Ate Cass na nilalanggam na naman.

Na-bad trip ako bigla.

"Oh, Clauvi, di ka ba kakain?" Kuya asked me.

"Uhm hindi na, Kuya. Wala akong gana." I faked a smile.

He instantly looked worried. "Bakit? Is there something wrong?"

Tumawa lang ako ng pilit. "It's nothing." Kunyari okay lang.

"Clauvi, are you sure?" Ate Cass looked worried too.

I made an 'okay' sign. "Positive. Enjoy lang kayo diyan. Alis na ko, Kuya."

I waved goodbye to them at umalis na ko bago ko pa marinig ang sasabihin nila.

Pagdating ko ng school, pinagtitinginan nila ako and it's... weird kasi ibang-iba yung titig nila sa akin.

May ganon ba?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa room. Bumungad agad sa'kin si Zylen.

"Hi, Clauvi. Okay ka lang?" She asked me.

"Oo naman!"

"You're not." Biglang sumulpot si Zoren galing sa likod ni Zylen. "Pilit lang 'yung ngiti mo."

"Hindi kaya." Tumawa ako. "Look, I'm even laughing."

Nate suddenly appeared beside me. "Fake laugh."

Fuck it. I give up. "I'm sorry guys. Wala lang talaga ako sa mood."

"Same, Cluavi. Same." Sinabi ni Michelleane.

Bakit ba kapag sumusulpot 'yung isa, sumusulpot na rin silang lahat?

I immediately knew why. "Ano na ba happenings about sa kuya mo?"

"Tsk. Here he goes again tulad ng dati so damn caring," She put an emphasis on the last word as she rolled her eyes. "Hindi na naman siya yung masungit at cold kong kuya kapag kasama niya si Zeldea. Nakakainis! Feeling ko nagpapauto na lang siya sa babaeng 'yun e!" Halatang iritado siya.

"Maybe there's a reason." Ani Zoren, na mukhang gustong pakalmahin si Michelleane.

"No way!" Halos may lumabas na na usok mula sa ilong at tainga ni Michelleane. "Ang tanging dahilan lang ay uto-uto siya!"

"Calm down." Sinabi ko sa kaniya.

"I'm sorry. Lalo kasi akong naiinis sa kaniya dahil hindi natuloy yung lakad niyo. Impaktang Zeldea na yon!"
Stress na stress na sagot niya.

"Wait what? Alam mo? Paano?" Imposible namang kinukwento ni Reideen sa kaniya 'yung mga ganon, di ba?

"I heared you two talking about that last night. Sorry for eavesdropping"

"It's okay." And kind of weird. But still okay.

Nakita namin si Reideen kasama ang ahas na didikit-dikit sa kaniya. Psh may akbay-akbay pang nalalaman. And why the hell am I feeling angry? Psh ano naman sa'kin kung may iba siyang kasamang babae? Wala syempre!

Worst Enemy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon