Another ud ! For you guys ! Hope you like this chapter ! Lulubos lubusin ko na yung kasipagan ko hehe .
Clauvi's POV
Nakakatampo si Kuya.
Hindi niya ko pinayagan na hindi pumasok.
Ayoko pa namang makita 'yung orangutan na 'yon. Pero sino bang tinakot niya? Baliwala lang naman siya sa'kin e!
Sure kang hindi ikaw 'yung baliwala pagdating sa kaniya?
Oo naman!
Pa'no mo nasabe?
May schizophrenia na ba ko?
"Ay tarantado!" Napasigaw ako. Natapilok kasi ako. Kasi kinakausap ko 'yung sarili ko habang naglalakad papunta sa tambayan namin.
Opo, opo. Alam kong baka makita ko yung impakto doon pero ipag'pray niyo na lang na wala siya.
Pagdating ko, hindi si Reideen ang nadatnan ko. Si Zoren.
Ba't wala 'yung kumag na Reideen?
Ba't parang dimayado ka?
'Di 'no! Ano... nag... hinahanap ko siya kasi... ano... makikipagsapakan ako! Oo, yun! 'Yun yata.
Ngayon ko lang napansing may pinagkakaabalahan si Zoren.
"Ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit na 'ko.
"Oh, hi ,Clauvi. Good morning."
"Marunong ka pa lang mag bake! Daig mo pa ko." Papuri ko sa kanya kasi totoo naman e.
"Yes. Inaaral ko kasi 'to para sa importanteng babae sa buhay ko." Nakangiting sabi niya sa'kin.
Graviii. Mukhang inlababong inlababo na siya kay Zylen ah!
Kelan kaya ako makakakilala ng lalaking gagawin rin 'yung mga ganitong bagay para sa'kin?
'Pag matanda na ko. Panigurado 'yon. Magaampon ako ng bata tapos palalakihin ko siya para lang matutong gumawa ng mga cake.
"Wow. Sino ba 'yang si maswerteng ate girl na gusto mo?" Tanong ko sa kaniya habang tumatawa.
Si Zylen sasabihin nito panigurado. Ayieee~
"You." simple niyang ssagot sa akin .
"Ah... you pala. Sino si yo– AKO?! As in ako?!" Aba'y 'wag naman.
"Yeah ." Tila walang kakaba-kaba niyang sagot sa akin. Pero nakikita ko pa rin 'yung ilang butil ng pawis sa noo niya.
"B-but akala ko ba si Zylen ang crush mo?" Nalilito pa rin talaga ako.
"No, it's not her. We're just friends."
"Pero bakit ako? E mas matagal mo ng kasama si Zylen kumpara sa'kin"
Naging seryoso ang mukha niya nang tingnan niya ako. "Wala yun sa oras kung kailan kita nakilala. Hindi ba pwedeng simula nang makilala kita, hindi mo na pinatigil ang mabilis na tibok ng puso ko? At walang hinihintay na oras para mahalin kita. Mahal kita. Alam kong hindi kagad tayo nagkakilala pero ang importante, mahal kita."
"Ah... haha... speechless ako ah!" Awkward din.
"Uhmm... Clauvi... may question ako..."
"Ano yun?" Tanong ko sa kaniya. Nag-aalanganin siyang tanungin ako habang nag-aalanganin akong pakinggan siya.
Don't say it.
Don't say it.
Don't say it.
Don't say it.
Don't say it."Can I court you?"

BINABASA MO ANG
Worst Enemy (ON-HOLD)
Teen FictionSofia Clauvi Collins - the girl who transferred to Clinton High. Clinton High - ang eskwelahan kung saan niya nakilala ang pinaka-ayaw niyang tao. In other words, her worst enemy. ×•×•×•×•×•× "I'm your worst enemy and your worst lover, too." וו×...