Monday na ulit ngayon. Dahil nga medyo napuyat ako kagabi saktong 11:30 ako nagising. 1 pm ang klase ko ngayon hanggang 5 ng hapon. Pagkagising ko ay naligo na agad ako at nag ayos sa pag pasok. Sa sobrang bagal namin kumilos ng pinsan ko ay nakarating na kami sa school ng 1:05 pm hahaha. Pero thankfully, naglulunch pa daw yung teacher namin hahaha. First subject namin ngayon ay Statistic Probability. Si Ma'am Thyne ang teacher namin sa subject na ito. Wala naman kaming masyado ginagawa sa subject nya. Nagsulat kami ng lecture then nag discuss sya at nag bigay ng example pagkatapos nun ay nag remind na sya na may quiz kami bukas about dun sa Discrete Probability pagkatapos ay pinalabas na kami. Next subject naman namin ay si Sir Raffy para sa Reading & Writting. Pagkapasok namin sa room nya ay iba ang pinagawa nya. Nag pasulat sya about dun sa isa pa nyang subject samin na Practical Research dahil magpapaquiz sana sya kaso walang assignment ang iba. Nagdiscuss lang sya ng konti at pinalabas na rin kami agad. Next subject naman namin ngayon ay Literature at Physical Science iisa lang ang Teacher namin dito kaya parang 2 hours na din kami sa kanya. Busy kami sa pagsusulat nang biglang bumaksak yung harang na cabinet at nabasag ang salamin nito. Nabangga ito ng mga nakaupo sa likod. Kinakabahan kaming lahat dahil nanduon ang Microscope at iba pang ginagamit sa Science. At napaka mahal ng mga iyon. Agad na tinawag ng President namin si Sir Mike na Teacher namin ngayon. Nagalit si Sir pero nawala rin agad. Sino ba naman ang hindi magagalit at magugulat duon napaka mahal ng maaaring mabasag dun. Nang kumalma na ang lahat at naligpit na ang mga basag sa kabilang room ay pinag quiz kami ni Sir Mike sa Physics. Yung about dun sa 6 Elements. Sa sobrang haba nun ay nag overtime na kami hahaha. Inabot kami ng 5:30 sa kaka solve. No Erasure pa naman kaya ulit kami ng ulit. Mag 6 na nang makarating kami sa bahay. Hindi naman kami pinagalitan dahil 5 lang uwian namin haha. Kumain na agad ako pagkauwi dahil wala kaming breaktime ngayong araw na to. Nag fa-facebook ako sa sala namin ng dumating yung kapatid ng lola ko. Tinatawag namin syang Mami. Kasama nya ang isa ko pang kapatid na si Aneeza at may dala silang Mcdo. Pinabili daw yung ng Tita namin para sa apo nya tapos ay nilibre nya lang ang kapatid ko. Hindi nila ako binigyan ng fries HAHAHAHA. Pero maya maya ay bumaba ulit si Mami at niyaya ako lumabas ibig sabihin kami naman ang kakain hahaha. Pumunta muna kami sa karindirya dahil wala daw pagkain sa bahay. Pagkatapos ay pumunta kami ng seven eleven at binili nya ko ng Siopao at C2 hahaha. Umuwi na din kami agad at naabutan namin ang pinsan ko ng gumagawa ng Graham Ball. Tumulong ako ng konti. Pagkatapos nun ay umakyat na ko sa kwarto namin at nahiga. Nag instagrama ako at bumati ng happy birthday sa favorite at crush na crush kong Oppa na si Park Chanyeol ng EXO. Nanood ako ng vines sa Youtube at nakipag chikahan sa Twitter at pagkatapos nun ay natulog na ako ng may salpak na earphones sa tenga.