Nov.29.17 - Day 3

2 0 0
                                    

8 pala ang gising na ako. 1 pa pasok namin.  Ngahilamos na ako at pumuntang sala. Pinahawak muna sakin ni Papa si Baby dahil magluluto sya. Pagkatapos nya magluto ay binalik ko na sa kanya si Baby at kumain na. Maya maya pa ay naligo na ko at naghanda na sa pag pasok. Maaga pa ng makarating kami sa school. Naghintay pa kami ng kalahating oras at pinapasok na kami sa room. Sandali lang ang klase namin ngayon dahil 2 oras lang at uuwi na din kami. Practical Research lang subject namin ngayon. Pinagsulat lang kami ni Sir Raffy at nagdiscuss sya ng konti lang dahil wala na syang boses hahaha. Pero naintindihan naman namin. Maaga pa kaya napag desisyonan naming magkakaibigan na pumunta muna ng seven eleven para kumain. Tawa kami ng tawa sa daan habang naglalakad. Nadulas pa ko sa hagdan pababa ng school kanina buti nalang wala masyadong tao at kami kami lang HAHAHAHAHA. Umoreder kami ng kanin. Si Aira at Jessamae naman ay umorder ng bigbite. Ang ingay namin sa seven eleven hahaha. Kami lang din naman ang nakatambay dun sa loob. Nung quarter to 4 na ay nagpaalam na ko sa kanila. Susunduin ko pa ang kapatid ko sa school nya. Pagakarating sa bahay ay nagpahinga lang ako ng konti at sinundo ko na ang kapatid ko. Nag sidecar na kami pauwi dahil binigyan naman ako ni papa ng pamasahe. Ng makarating kami sa bahay after 30 minutes ay hinatid ko naman sya sa Tutor nya. Sina papa na ang nagsundo sa kanya malipas ang isang oras. Naglaba ako ng uniform ko at nagpahinga na ulit sa kwarto. Nilibang ko na ang sarili ko at inabot ako ng 3 kakanood ng kdrama pero ayos lang dahil wala namang pasok bukas hahaha.

The Daily Life of a Happy VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon