Dahil maaga ako nakatulog kahapon ay maaga ako nagising ngayon. Pero hindi pa ko agad bumangon kasi nakakahilo. Maya-maya pa ng maramdaman kong marami nang tao sa sala ay bumaba na din ako. Nag hilamos muna ako kasi maaga pa. Inayos ko ang gamit ko at nag sulat ng Assignment tapos ay naligo na, kumain saka pumasok. 1 to 3 lang kami ngayon. Pagkadating namin sa school ay wala pa si Sir. Nagpicture picture muna kami sa gilid at maya maya pa ay dumating na si sir. Pinagsulat nya lang ulit kami saka nag discuss. Nagulat pa sya dahil ang dami ng sinabi nya pero one hour palang nawawala sa oras namin. Tinanong nya kami kung kumain na kami. Sabi namin ay hindi pa. Tinanong nya din kami kung sino next subject namin ang sabi namin ay wala na kaya pinauwi nya na kami. 2 palang kaya napagdisisyunan namin na pumunta muna ng puregold. Dahil nga matagal ko nang gusto ng bavarian ay iyon ang binili ko. Nagusap usap sila about sa thesis at nagaaway away na. Hindi ko naman sila kagrupo kaya hindi ako apektado. Pagbalik ko ay nag walkout na ang isa naming kasama. Tapos pinagusapan namin yung problema namin sa Thesis kasi naapektuhan nga ang pagkakaibigan namin. Bumili nalang kami ng Zagu nung medyo nawawala na yung tensyon pangpa chill hahahaha. Umuwi na din ako matapos nun dahil baka hanapin na ko samin.
Pagkauwi ko ay di na ko kumain at natulog na.