Nagising ako ng 9:30 ngayon. Masakit sa ulo kasi halos 3 am na ko nakatulog kagabi hahaha. Pagkagising ko ay naligo na agad ako. Same routine lang. Nakarating kami ng school ng bandang 11:13 na! 11 ang klase namin hahaha. Pero masuwerte nalang at wala pa teacher namin hahaha. Si Mam Thyne ulit ang First subject namin. Maya maya pa ay pinag quiz na nya kami. Nagtanong ako ng ilang hindi ko maintindihan sa katabi ko at nag sagot na din ako. Maikli lang yung quiz pero mahirap dahil sa solving. Hindi ako matapos tapos dahil sa katatanong nila sakin kung pano yung sa Graph hahaha. Kinuha nila ang papel ko at ginaya yung graph. Pagkatapos ng subject namin na ito sana ay vacant na kaso sa sobrang tagal namin ay nag ovetime na kami sa kakasolve. Kagaya ng nangyari kahapon. Pagkatapos namin ay lumipat na kami sa next subject. Kay Sir Mike. Nagulat kami ng mga mga number na ang upuan. Yung upuan ko kahapon ay dun na ko umupo ulit. Favorite number ko pa naman ang nakasulat haha. 18. Pinagbunot bunotan namin kung san kami uupo pero yung malalabo ang mata ay inilagay ni Sir sa unahan. Ako naman ay napaupo sa likoran. As in pinaka likod. Number 24 kasi nabunot ko. Katabi ko sa kaliwa si Gie at sa kanan naman si Wendell. Nagpagroupings si Sir Mike about ulit dun sa 6 Elements. Ngayong araw rin pala ay 2 hours kami sa kanya. Pinag recitation kami ng konti sa Literature. Pagkatapos nun ay pinagsulat nya naman kami. Ako ang nagsulat sa Whiteboard kasi ako ang Secretary. Pagkatapos nun ay pinalabas nya na kami. Bumaba kami sa second floor kahit vacant na namin. Hindi ko alam kung bakit pero sumunod nalang ako sa kanila hahaha. Tinanong ng president namin si Sir kung magkaklase pa mamaya dahil may practice daw ang mga teacher. Pinilit nila at kinulit si Sir na pauwiin na kami at pumayag naman sya hahahaha. Kasabay namin bumaba ng mga kaibigan ko sina Eam, Genesis at Gie. Nagaasaran kaming lahat pero naghiwahiwalay na kami sa pagsakay ng jeep. Nakasalubong namin sa kanto ang ate ni pinang at sumama sya mag deliver ng graham ball. Ako naman ay tumawid muna para bumili ng Turon. Pagkadating ko sa bahay ay sinabi ko ang dahilan kaya maaga kami nakauwi. May miryenda na pala sa bahay bumili pa ko hahaha. Nagbihis na ko at binantayan ang kapatid kong bunso dahil isang buwan palang ito. Umalis sila Papa dahil mamimili sila. Mabilis lang sila at nakauwi agad. Kumain na ko at pumanik sa kwarto namin. Nagcellphone ako at bumaba ulit saka nag hilamos. Pumanik na ulit ako at nilibang ang sarili ko at maya maya pa ay dinalaw na ko ng antok.