May pasok na kami ngayon kahit friday. Pagkagising ko ay naligo na ko. 11 ang pasok namin ngayon at nagising ako ng 10. Binilisan ko na ang kilos ko at nag almusal ng konti bago pumasok. Isang subject lang ang meron kami ngayon pero tatlong oras. Mamayang alas dos ang uwian namin. Nang makarating ako sa school ay nag hintay pa kami ng mga kaklase ko ng kalahating oras bago pumasok sa loob. Malamig na sa Computer lab ngayon dahil gawa na ang aircon. Nung nakaraan kasi ay sira ito at sobrang init talaga. Mahirap ang pinag aralan namin ngayon dahil parang math ang nilelecture samin kahit Java. Tatlong klaseng topic ang tinuro samin at maya maya ay nagpaquiz na. Nakaisang oras na kaming nagsasagot pero number 1 palang ang nasasagutan ko kakaulit hahaha. Alasdos na pero di parin kami tapos lahat. Nakiusap kami kay Sir na sa next meeting nalang ipapasa. Pumayag naman ito kaya umuwi na kami. Sabay sabay kami umuwing magkakaibigan. Pero sumakay na kami at nagkayayaan ang iba na mag library. Hindi na kami sumama dahil wala pa kaming matinong kain dahil sobrang konti lang ng kinain namin kanina. Pagkauwi ay nagluto kami ng ulam ni pinang at sabay na kumain. Nalaman kong mag sisimba sila dahil biyernes kaya sumama na rin ako. Alas kwatro ng makaalis kami. Isang oras lang ang misa kaya mabilis lang na natapos at umuwi na din kami. Nagpahinga lang ako ng konti saka binantayan ang kapatid kong bunso. Nang matapos ko mag bantay ay nag tanong tanong ako ng Link sa Live Stream ng Mnet Asian Music Awards kung saan ginanap sa hongkong. Mga mahihilig lang sa idol group ang nanonood nito kagaya ko hahaha. Nadismaya ako sa resulta ng Awarding dahil isa lang ang nakuha ng paborito kong grupo ngayon. Kumpara last year na awarding ay nakakalimang Awards sila. Ngayon ay dalawa lang. Pero 5th time back to back Best Album of the Year padin sila kaya masaya padin. Lamang kasi sila sa botohan kaya nag taka kaming lahat kung bakit yung mga wala sa nanominate ang mga nanalo. Yung iba pa nga ay hindi kilala. Pero ang Album of the Year lang talaga ang hindi nila mababago. Inabot ako ng alas dose ng gabi dahil yun lang din na oras na yun natapos. Nakagawa pa din ako ng Assignment namin sa PE kaya wala na kong po-problemahin bukas.