Nov.4.17 - Day 6

0 0 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon. 7:30 am ay nalingat ako at di na nakatulog ulit. Nagpalipas ako ng ilang oras habang nag fb at tuluyan nang tumayo para maligo nung alas dyis. Nang matapos na kong maligo ay nagpatuyo na ako ng buhok. Naisipan ko din na magpagupit dahil sa init ng panahon at patuloy na paglalagas ng buhok ko. Nagpagupit ako ng maikli bago pumasok. Nang makarating kami sa school ay nag hintay pa ulit ako ng kalahating oras bago pumasoksa room. Sakto namang inannounce na kinut na ang klase naming mga panghapon dahil sa christmas party ng mga teacher ngayon. Dahil nga kakapasok pa lang namin ay napagdesisyonan naming pumunta sa National Museum. Pero pagkarating namin duon ay hindi kami pinapasok. Dahil malapit nga doon ang luneta ay doon na lamang kami nagpunta. Nag ikot ikot kami at ng makaramdam ng gutom ay pumunta ng SM Manila. Nakita namin doon ang iba naming mga kaklase pero di sila sumama samin. Nag hiwa hiwalay kami ng iba pa naming kasama dahil manonood daw sila ng Sine pero dahil matagal ay naglaro nalang sila sa Quantum. Habang kami naman ay nagtingin sa Precious Pages , Book Sale at National Book Store ng President namin. Bumili kami ng Ice Cream at saka nagdesisyon umuwi. Siksikan kami sa Jeep sa sobrang dami namin pero masaya naman hahaha. Bago kami umuwi ay dinaanan namin ang kapatid ko at naabutan namin dun si Papa kaya sumabay na kami sa pag uwi. Nagpahinga ako ng kaunti saka hinatid ang kapatid ko sa Tutor nya at saka ako nagbihis ng pangbahay. Kumain na ko ng panggabi saka umakyat sa kwarto at maagang natulog.

The Daily Life of a Happy VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon