Maaga ang pasok namin ngayon kaya maaga ako nagising. 11 to 5 ang sced namin ngayon. Ang first subject namin ay kay Mam Thyne. Nag test kami sa kanya. Imbis na one hour lang kami ay inabot kami ng two hours. Pero okay lang naman dahil vacant time naman namin yung nasakop pa ng one hour. Hindi ko natapos yung test dahil pinalabas na kami. Pero last number nalang naman. Nahirapan ako sagutan sya kasi hindi ko maintindihan. May natira pa kaming fifteen minutes nung nakalabas kami. Pero mas pinili na namin na dumiretso na agad sa room ni Sir Mike na Next subject namin. Nang magsimula ang klase namin, pinagawa kami ni Sir Mike ng kanta. Kahit ano daw basta sariling gawa. Pinayagan kami gumamit ng earphones kaya mabilis akong nakagawa. Hanggang two stanza lang pala pero nakagawa ako hanggang chorus kasi favorite at feel na feel ko yung kanta hahaha. Bumunot si Sir ng kakanta sa harap nya. At maswerte at hindi ako natawag. Maya-maya pa ay pinapasa nya na iyon at sinabi saming sa next meeting ay kailangan namin matapos ang huong kanta. Then kailangan namin ito kantahin na may kasamang music tapos nakarecord. Sila Sir Raffy at Mam Thyne daw ang mag ja-judge. Nag proceed na kami sa next topic sa kanya, ang physics. Pinagsulat ako ni Sir Mike sa board. Mahaba iyon kaya nakakapagod. Tapos may itinuro sya saming bago about sa Periodic Table. Madali nalang iyon sakin dahil natatandaan ko yun na tinuro nung Grade 8 kami. Pagkatapos nun ay nagbigay sya ng Assignment at pinalabas na kami. Vacant na namin ng one hour. Pumunta kami sa Puregold at kumain duon. Napagusapan namin na sinabi daw ni Sir Raffy na na-delay ang Title Defense namin kaya nakahinga kami ng maluwag. Kasi halos lahat kami ay wala pang gawa dahil sa sobrang hassle ng mga pinagagawa samin. Kaya nung pumanik kami para sa next subject na si Sir Raffy ay tinanong namin kung kailan na ang Title Defense. Sabi nya ay sa 13 na daw. Tapos ay nagsimula na ang klase namin sa kanya. Binigyan nya kami ng Tips sa pagde-defese kaya lalo kaming kinabahan na magiging mahirap nga iyon. Pinasulat nya samin yung nakasulat at nakadikit sa board tapos ay diniscuss nya then pinauwi na kami. Halos mag aalasais na ng makauwi kami kaya nagpahinga lang ako ng kaunti saka kumain at maya maya pa ay natulog na sa sobrang pagod.