Nov.30.17 - Day 4

1 0 0
                                    

Wala kaming pasok ngayong araw. Nagising ako dahil ginising ako ng kapatid ko. Inaantok pa ko kaya di muna ko bumangon. Nang medyo sipagin na ako ay sinilip ko ang cellphone ko at 11 na pala ng tanghali. Bumangon na ko at nagligpit ng higaan. Nag almusal na rin ako at maya maya pa ay naligo na din. Wala akong masyadong ginagawa tuwing walang pasok. Kaya ngayon ko ginawa ang iba pang assignments namin. Nang mag alas kwatro na ay niyaya ko si papa mag miryenda. Nagulat pa nga sya dahil first time ko manlibre hahaha. Nagpalipas ako ng oras sa panonood ng tv. Maya maya pa ay nagpasama ang pinsan ko bumili ng siomai. Pero wala kaming naabutan. Pumunta nalang kami ng seven eleven pero wala rin kaming nabili. Sa huli ay bumili na lang sya ng balot hahaha. Pagkauwi namin ay inutusan ako ng ninong ko bumili ng alak nila ni papa. Binigyan nya naman ako ng bente at binigay na rin sakin ang sukli sa pera. Maya maya pa ay nanalo ang ninong ko. Nung pinabili nila ako ng isa pang alak ay isang daan na ang ibinigay sa akin hahahaha. Tinago ko iyon para pandagdag sa baon ko bukas. Nakipag laro ako sa pamangkin ko at maya maya pa ay dinalaw na ko ng antok. Umakyat na ko sa kwarto at chinarge ang cellphone ko saka natulog.

The Daily Life of a Happy VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon