Chapter FOUR

23 1 0
                                    

Sasha POV

Pagtapos ko kumain dumating naman yong matandang maid na nakausap ko kanina.

"Kung tapos ka na ay sumunod ka sakin."

Nagsimula na rin syang maglakad kaya sinundan ko na lang sya.

"Sa unang palapag ng bahay nandito ang sala, silid kainan, sa likod ay papuntang hardin."

Umakyat naman kami sa pangalawang palapag kung san nandito yong kwarto na tinuluyan ko.

"Don naman ang kwarto ni Sir Trevor, hindi mo ito pwedeng pasukin hanggat wala kang pahintulot mula sakanya"

"Dalawa lang po talaga kwarto dito?"

"Oo, kaya masanay ka na."

Huh? Bakit naman ako masasanay? Magsasalita na sana ako.

"Sa ikatlong palapag naman ay nandito ang entertainment room, gym room at mini bar. Pwede nyo pong puntahan lahat."

May napansin naman akong isa pang kwarto pero kulay pula ang pinto nito hindi tulad sa iba na puro color gray.

"Eh ayan po?"

"Malalaman mo din sa tamang panahon sa ngayon ay mag enjoy ka muna sa pag stay mo dito. Nga pala ang pool ay nasa tabi ng garden pwede ka rin don. Kung wala ka ng katanungan ay aalis na ko at hahayaan na kitang maglibot libot. Basta dalawa lang ang hndi mo pwedeng pasukan. Ang pintong pula at pintong itim. Pag nilabag mo ito, matinding parusa ang mararanasan mo."

Tatalikod na sana sya nang tinawag ko uli. Natatakot na kasi ako at bakit parang iba na ang nararamdaman ko.

"Bakit nyo ba to ginagawa? I mean bakit mo ko nililibot dito? Hindi naman ako titira dito. Isang gabi lang naman ako nakatulog dito at aalis na rin ako diba? Haha kayo talaga."

"Sinong may sabi sayo na aalis ka dito? Hindi ka na makaka alis dito hija. Simula ngayon eto na ang magiging tahanan mo."

Nanlaki mata ko sa sinabi ng matandang to. Totoo ba to? Haha joke lang siguro to Sasha hahaha at trip ka lang nito.

"Haha joke ba yan? Kayo talaga manang oh." Kahit magsalita ako halatang kinakabahan ako.

"Nasabi nyo na po ba sakanya? At kailangan ko na syang ayusan dahil pauwi na rin maya maya si sir."

Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko at ito yong babaeng maganda na sumundo sakin sa kwarto.

"Maganda ang napili ni sir."

Huh? Kakakita lang namin kanina sa kwarto bat hindi nya sinabi yan?

"Oo sinabi ko na sakanya pero naguguluhan pa rin sya."

Lumapit naman sakin yong magandang maid at kumapit sa braso ko.

"Ayaw mo ba kay Sir Trevor? Ayaw mo ba tumira sa ganitong bahay? May mas malaking bahay pa si Sir kung ayaw mo dito. Napili lang naman nya ito dahil baka mas gusto mo ng simple. Mahilig ka din naman sa forest diba? Kaya dito sya nagpatayo ng bahay para sayo. Saka pwede--"

"Teka? Hindi kita maintindihan? Ano to? Sinasabi mo ba na gusto nyo kong mag stay dito? At ano? Anong ayaw ko kay Trevor? Hindi ko talaga kayo maintindihan."

"Sige paikliin natin. Gusto ni sir na mag stay ka na dito. Dito ka na titira. Kaya nga dinala ka nya dito diba? Hindi mo pa rin ba maintindihan?"

Umiling ako pero kinakabahan ako sa mga pinag sasasabi nila.

"Hindi mo ba alam na gusto ka ni Sir Trevor kaya ka nya dinala dito? At gusto nya makasama ka habang buhay."

Napa atras ako ng konti dahil hindi pumapasok sa isip ko yong mga pinag sasasabi nila. Ano ba to?

GUSTO AKO NI TREVOR? GUSTO NYA AKO MAKASAMA HABANG BUHAY? GUSTO NYA AKONG TUMIRA DITO? GUSTO NYA AKO?! GUSTO NYA AKO?!!

"Haha nagbibiro lang kayo diba? Diba? Haha sige aalis na ko. Mga trip nyo e no? Kuhanin ko lang gamit ko sa kwarto na tinulugan ko at aalis na ko. Wag nyo na ko ihatid at kaya ko naman na. Pasabi kay Trevor na nauna na ko, and thank you na rin sa lahat ng naitulong nya. Bye."

Tumakbo na ko papuntang second floor at dumiretso sa kwarto. Hinanap ko na agad yong mga gamit ko. Papasundo na lang ako kay Ken. Nakita ko naman ang bag ko pero walang laman ni isa. Walang wallet, payong, notebook, pati cellphone ko! Ano na? Shit gusto ko ng maka alis dito dahil natatakot na ko. Hayaan na nga yon. Lalakarin ko na lang baka malapit lang naman e.

Lumabas na ko ng kwarto at mukhang hindi naman nila ako sinundan. Kailangan ko ng maka alis dito. Bumaba na ako padiretso na ko sa pinto nang bigla kong maramdaman na may tumusok sa braso ko. Napatingin ako sa braso ko at nakaturok na ang syringe sakin. Napatingin ako kung sino ang nagturok sakin at yong magandang maid pala. Nararamdaman ko na lang na nanghihina ako kaya napa upo ako at nakita ko pa ang isang magandang maid. Dalawa na sila. Ano to? Kambal ba sila? Dumating na rin si Manang at nakatitig lang sya sakin, naaawa ba sya?

"Kayo na ang bahala sakanya at maya maya pa'y darating na ang Sir nyo" pagtapos sabhin ng matanda iyon, ay umalis na rin sya.

Akala ko naaawa sya sakin. Ano ba tong pinasok ko? Ano ba ang gusto nila sakin? Magtatanong sana ako kaya lang naramdaman ko na lang na papikit na mata ko hanggang sa blangko na lang paningin ko.

Hala ano nang mangyayari sakanya? Charot! Kamusta naman po? Buhay pa ba mga readers ko? Kayo na lang nagmomotivate sakin para matuloy pa to. Hahaha magulo ba? Sensya na at akoy inaantok na e. Aayusin ko na lang sa Chap 5. Lovelots (DONT FORGET TO VOTE GUYS AND GIRLS)

My Pscyho LoverWhere stories live. Discover now