Chapter FIVE

23 1 0
                                    

Mikaela and michelle in the photo (iisa lang naman hitsura nila)

Sasha POV

"Gising na mahal ko."

Unti unti kong binuksan mga mata ko para makita kung sino yong nagsasalita.
Nagulat ako ng makita ko si Trevor na nakatitig tas nakangiti pa. Nakakakilig? Pwede na yiiee landi mo talaga Sasha!

"Trevor?"

Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko sa may pinto yong magandang maid na may kakambal, teka kakambal? Naalala ko na, tinurukan nila ako ng pampatulog!

"Bakit mahal ko? May problema ba?"

"Bakit nyo yon ginawa sakin?"

Habang nakatitig pa rin ako sa magandang maid na mukhang manika. Ngumiti lang sya sakin ng nakakatakot.

"Lumabas ka muna mikaela."

Yumuko saglit yong maid tapos lumabas na sya ng kwarto. Napansin ko lang na hapon na pala hindi ko alam eksakto ng oras.

"Anong oras na?"  Tanong ko agad

"Its 4 pm"

Napatingin ako sakanya at yong mukha nya nag aalala. Nag aalala ba sya sakin? Tsk kasalanan to ng maid na yon! Siraulo yon tinurukan ako, bakit kaya? Anong nagawa ko, may nilabag ba ko?

"What is it?"

"Huh?"

"Nakatulala ka kasi, okay lang ba malaman kung anong iniisip mo?"

"Nako pasensya na. Hindi ko lang talaga kasi maintindihan kung bakit ginawa sakin yon ng maid na yon. Bakit nya ako tinurukan? Saka bakit ayaw nila ako palabasin kanina? Ayaw nila ako umalis? E nag aalala lang ako kasi baka di ako makapasok sa school, mamaya may quiz kami na mamimissed ko. Hala 4 na diba? Teka late na ko jusko!"

Pagkasabi ko non hindi ay tumayo na ko at kinuha na uli yong gamit ko. Pero naalala ko pala na wala sakin yong mga gamit ko, tanging bag lang ang natira sa mga gamit ko.

"Ahm excuse me Trevor pero may kinalaman ka ba sa pagkawala ng mga gamit ko dito sa bag?"

Napatingin ako sakanya na nakaupo pa rin sa gilid ng kama. Bigla syang tumingin sakin Ng seryoso, nakakatakot sya parang anytime... hoy Sasha hindi naman siguro.

"Ah sige kung nawala hehe hahanapin ko na lang baka nalaglag nong pinipilit akong kunin kagabi. Aalis na ko Trevor, salamat sa pag sagip at pag papatuloy mo sakin dito. Sobra sobra na yong pasasalamat ko sayo hindi ko alam kung pano kita mababayaran--"

Hindi ko na natuloy dahil nagsalita sya.

"Manatili ka dito." Yon lang nasabi nya at tumitig sa mga mata ko.

"Huh? Hahaha a-ano ka b-ba Trevor ano pinag sasasabi m-mo?" 

Garagal kong tanong dahil natatakot na ko, hindi sa sinabi nya kundi sa mga mata nya. Pero ngumiti pa rin ako.

"Pano mo mababayaran ang mga naitulong ko sayo? Manatili ka na dito, yon ang kabayaran mo."

Lumalaki mata ko, literal! Ano to? Ano nanaman ba to? Nagloloko ba to? Bigla kong naalala yong sinabi nong Maid na maganda.

"Sige paikliin natin. Gusto ni sir na mag stay ka na dito. Dito ka na titira. Kaya nga dinala ka nya dito diba? Hindi mo pa rin ba maintindihan?"

"Tre-Trevor? Ano to? Nakikipag laro ka ba sakin? Sinabi ba nong maid na yon yong mga sinabi nya sakin kanina? At pinag tritripan nyo ko?"

"Hindi kita pinag tritripan Sasha, mahal ko. Pero kung iniisip mo na nakikipag laro ako, sige maglalaro tayo. Pag gumawa ka ng maling hakbang, makikipag laro ako sayo at hindi mo magugustuhan ang laro ko, mahal ko."

Tumayo sya at lumapit sakin, habang ako pa atras ng pa atras. Hanggang sa naramdaman ko na lang sa likod ko ang pader. Nang makalapit sya hinawakan nya ako sa pisngi, gentle lang paghawak nya sa pisngi ko kaya medyo nakikiliti ako pero nanaig pa rin ang takot ko sakanya.

"Tre-Trevor, pl-please gusto k-ko ng um-umuwi."

Malapit na kong maiyak dahil sa ginagawa nya, natatakot na ko sakanya. Hindi ko na kaya to. Nang bigla nyang sinuntok yong pader, nagulat ako dahil malapit lang sa tenga ko yong pader na pinag suntukan nya. Natulala ako sa ginawa nya.

"Walang aalis naiintindihan mo ko?"Sabi nya.

Hindi ako sumagot dahil naiyak na ko pero walang hikbi. Tumulo lang luha ko pero ramdam ko na nanlalambot na ang mga tuhod ko. Kaya hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay nya, ramdam ko na bumabaon yong mga daliri nya sa pisngi ko at ang sakit.

"SABI KO NAIINTINDIHAN MO BA KO SASHA?!"

Pilit nyang iniipit ang magkabilang pisngi ko. Hindi ko alam kung magsasalita ba ko o hindi. Pero wala na kong pagpipilian kaya nagsalita na lang ako.

"O-Oo Tre-Trevor, nai-naiintindihan k-ko."

Pagkasabi ko non ay binitiwan nya ako, at nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko at bumulong.

"Mabuti kung ganon, magpahinga ka na muna at mamaya ay itutuloy natin ang usapan na to."

Paalis na sana sya ng bigla sya ulit nagsalita.

"Mananatili ka dito, im not begging you or giving you a choice. Its my command, stay here with me."

Pagtapos non ay mabilis syang naglakad papuntang pinto at pinihit na ang seradura, bago nya binuksan ay tumingin muna sya sakin at yong mukha nya parang nag aalala. At pag bukas nya ng pinto ay umalis na rin sya.
Don lang ako napa upo sa sahig, sobra na ang panginginig ko at ramdam ko yon hanggang sa kamay ko. Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak, tahimik ang kwarto kaya rinig na rinig ang pag iyak ko.

Pano na ko nito? Anong gagawin ko? Pano ako makakaalis sa lugar na to? O baka hindi na talaga ako makakaalis sa lugar na to. Hinahanap kaya nila ako? Si Ken hinahanap nya kaya ako? Nag aalala kaya sya? Sana mahanap mo ko Ken, please hindi ko na kaya Ken. Iligtas mo ko dito sa impyerno na to, natatakot ako Ken. Please find me Ken.


-------
Dont forget to vote ;)

My Pscyho LoverWhere stories live. Discover now