Chapter ELEVEN

12 0 0
                                    


Sasha Pov

Grabe inis na inis ako sa kapatid ni Michelle, nagpanggap sya kapal. Kainis bakit di ko kasi sya tinitigan? Magka mukhang magka mukha talaga sila ni Michelle kaya di ko sya napansin. Di ko napansin na wala pala syang nunal. Nag iinit tuloy ang ulo ko at dugo ko sakanya nya lalo!

"Pasensya na talaga kayo kay Mikaela, hindi ko alam na sya ang maghahatid ng pagkain nyo. E inutusan lang ako manang Nancy akala ko saglit lang kaya ginawa ko. Sorry po talaga Maam Sasha alam kong ayaw nyo sa kakambal ko."

"Ayos lang Mich wala kang kasalanan hays ayoko talaga sa kakambal mo, ang sama talaga ng pakiramdam ko dyan. No offense pero para syang Trevor na girl version neto kaya mainit ang dugo ko sakanya. Pasensya na Mich pero ayoko talaga sa kapatid mo pag nakikita ko sya naaalala ko lang yong pagkampi nya kay Trevor."

"Naiintindihan ko po pasensya na talaga kayo sakanya at pagsasabihan ko na lang po sya na wag na uli pumasok dito."

"Salamat Mich at naiintindihan mo ko. Simula ngayon sabihin mo sakanya na bawal na sya dito kahit papaano ay malayo lang sakin ang mga nagpapahirap sakin kahit isa lang sakanila."

Tumango lang si Michelle at sinimulan ng mag linis sa kwarto ko. Habang ako tinitignan ang paglubog ng araw. Mag gagabi na pala habang patagal ako ng patagal dito ay mas lalo kong nararmdaman na mamamatay na ko pero ayokong magpaka nega dahil alam ko di ako pababayaan ng panginoon at alam ko hinahanap ako ni Ken.

------------
Time check 6:30

Dumating na rin si Trevor pumunta sya dito sa kwarto at kinamusta ako. Sinabi ko lang na okay ako at di ko na sya pinansin uli. Umupo lang sya sa tapat ko habang nakatingin pa rin ako sa araw na malapit ng kainin ng dilim.

Alam kong nakatitig lang sya sakin pero wala akong pakialam at ayokong isipin sya. Mas binigyan ko ng pansin ang araw lalo na nong mga panahon na pinapanuod namin ito ni Ken pag free time namin. Grabe puro Ken ako ngayong araw na to sobra na ang pagkamiss ko sa lalaking yon. Kamusta na kaya sya?

Maya maya ay naramdaman ko na lang na hinalikan ako ni Trevor sa tuktok ng ulo ko at nag paalam na magbibihis muna sya at baba na rin daw ako para makakain na. Sumagot lang ako ng 'sige mag aayos lang ako' pero di ko pa rin sya tinitignan. Lumabas na sya kaya niyakap ko ang sarili kong mga tuhod dahil ramdam ko ang lamig na dulot ng mga punong nakapaligid sakin. Mas presko talaga pag maraming puno kesa maraming gusali.

-----------
Hindi ko na napansin na isang buwan na pala ako dito at andito kami ngayon ni Trevor sa Greenhouse medyo umaga palang mga 9am kaya hindi pa gaanong mainit. Pag uusapan na siguro namin yong napag kasunduan pag walang nilabag.

"Alam mo na siguro kung bakit kita pinapunta dito." Tanong nya

"Oo, isang buwan na ko dito kaya ibibigay mo na sakin ang reward ko tama ba?" Sagot ko sakanya

Ngumisi sya at tumango. Naiinis talaga ako pag ngumingisi sya parang tanga e. Akala nya siguro cute sya, mukha syang demonyo!

"Ang reward mo ay ito."

Nilapag nya sa harap ko ang isang folder. Binuksan ko yon at napangiti ako sa nakasulat.

Your reward for following the rules in One Month:

-You can stroll in the Greenhouse and use the swimming pool no need to ask a permission.

-Can stroll the whole mansion but youre still not allowed to enter the black door and red door.

-No need to ask a permission if you want to watch a Tv or a movie in movie theater. But youre still not allowed to use cellphones or any gadgets that can communicate to others.

My Pscyho LoverWhere stories live. Discover now