Chapter TWELVE

10 0 0
                                    

Sasha

"Tulala nanaman kayo Maam Sasha." -Michelle

Umupo ako sa pool side at nilublob ang mga paa ko. Naalala ko nanaman si Ken. Hinahanap kaya ako non? Ang tagal ko na dito huhuhu miss ko na miss ko na sya, bakit parang di nya ako hinahanap? Nakakainis, di ko man lang alam kung nasan ako.

"Maam Sasha?" Kinalabit pa nya ako kaya napatingin ako sakanya.

"Pasensya na Michelle parang wala ako sa mood ngayong araw na to." At tumingin ako sa pool, tumatama pa sa mata ko yong reflection nong araw sa tubig.

Dalawang linggo na ang nakakaraan nong binigay sakin ni Trevor ang reward ko at yong kwintas. Oo kwintas yong laman ng box. Alam kong mamahalin yon, totoong diamond yon halata naman e. Di ko sana tatanggapin pero sinuot na nya sakin yon.

"Michelle?" Tawag ko at tumabi naman sya sakin.

"Miss na miss ko na ang school ko. Mga kaibigan ko, lalo na ang bestfriend ko." Saka nanaman ako  umiyak, di ko na napigilan.

"Patawad Maam Sasha at wala akong magawa" yumuko naman siya at tinapik ko na lang yong likod nya

"Ano ka ba Mich ayos lang, tanggap ko naman na hndi na ko makakaalis dito. Sadyang namimiss ko lang ang buhay ko sa labas. Oo pinangarap ko to pero hindi yong ganito, at hindi sya yong inaasahan kong makakasama sa iisang bubong. Ang gusto ko lang ay si--" di ko na natuloy nang biglang niluwa sa pintuan si Knox.

"May kailangan ka ba Knox?" Tanong ko, umiling naman sya at lumapit samin.

"Babantayan ko daw po kayo sabi ni Sir Trevor." Seryosong sabi nya.

Tumango na lang ako at lumingon uli sa pool. Gusto kong mag isip ng paraan para makaalis dito, pero mukhang hindi na mangyayari yon kaya nanlumo na lang ako, naaawa na ko sa sarili ko.

Napag desisyunan kong lumangoy na lang, what if hayaan kong lumubog ako sa tubig? Hndi na kaya ako umahon? Tutal ayoko ng mabuhay kong si Trevor the Psycho lang naman makakasama ko habang buhay.

Sinimulan ko ng lubugin ang sarili ko, ayoko ng mabuhay. Mas magandang mamatay na lang ako.

Di ko alam kung ilang minuto na kong hindi umaangat. Mukhang di rin naman napapansin nina Mich since hndi ako humihingi ng tulong. Nawawalan na rin ako ng hangin sa katawan, naramdaman ko biglang sumakit paa ko. Teka namumulikat ba ko? Shit!

My Pscyho LoverWhere stories live. Discover now