Chapter ONE

47 0 0
                                    

Ken Cordova in the picture

***

Sasha POV

Nag aayos na ko ng mga upuan at mesa nang mapansin kung medyo lumalakas na yong ulan sa labas, bigla naman akong tinapik ni Ken sa balikat.

"Di ka pa ba tapos dyan?" At pumasok na sya sa counter area.

"Matatapos na rin, ikaw ba?" Dalawang table na lang lilinisin ko hays

"Hindi pa dahil mag i-inventory pa ko, saka checheck ko pa tong cafe kung may nawala"

"Ah ganon ba? Mauuna na ko ha? Tignan mo naman ang panahon. Saka baka lumakas pa. Ikaw din bilisan mo dito at nang makauwi ka na rin. May dala ka bang payong?"

"Wow, concern na sya sakin oh hahaha opo babes"

"Shut up Ken hahaha"

Napuno ng tawa ang buong cafe, yup working student ako. Estudyante sa umaga, work sa gabi. Boss ko si ken hahaha oo pero close kami nyan dahil bestfriend kami. Pano kami nagkakilala? Dahil sa icecream kaya naging magkaibigan kami nyan. Nag agawan kami sa isang icecream parlor dahil iisa na lang daw kasi yong flavor na napili naming dalawa. Nagmakaawa ako na sakin na lang yon dahil chocolate chip yon e, ayaw nya rin magpatalo dahil gusto rin nya yon kaya nagkasundo na lang kami na mag share. Pero sya ang nagbayad kahit sinabi ko na dapat share din kami.

Nakakatuwa lang dahil sa icecream nakwento ko buong buhay ko hahaha dahil don napag kasunduan namin na maging mag bestfriend na kami. Mabilis ba? Hahaha kahit kailan kasi hindi pa ko nagkakaroon ng kaibigan na totoo, walang katulad si Ken :) dahil din sakanya kaya ako nagkaroon ng trabaho dito sa cafe nya. Regalo to ng mommy nya sakanya nong 18 daw sya. At 1year na rin ako nag wowork dito.

Asan mga magulang ko? Wala na, they died when i was 15 years old wala din akong mga kapatid, nag alaga lang sakin non ay ang tita ko kaya lang nag asawa na rin sya nong nag 18 ako kaya sabi ko sakanya na bubukod na ko para di na sya mahirapan sa pag aalaga sakin dahil alam ko na magkakaroon na rin sya ng sarili nyang pamilya. Nong una pinigilan pa ko ni tita pero dahil sa pagpupumilit ko, pinayagan na rin nya ako. Nag dorm ako malapit sa school mura lang dahil pag mamay ari ng mommy yon ni Ken.

Ang dami ko ng utang na loob sakanila at hindi ko alam pano masusuklian yon. Natutuwa na lang ako dahil pag nag babake ako para sa mommy at daddy ni Ken, natutuwa sila. Mas lalo ding kumita ang Cafe ni Ken dahil sa pagbabake ko ng ibat ibang cakes and pastries, si Ken naman ang nakatoka sa mga kape. Kaya nga sabi nila Perfect Combination nga daw kami. Wala e, mag Bestfriend kasi hahaha.

"Ngumingiti ka dyan mag isa? Oy ikaw bes ha? Baka kung ano ano iniisip mo dyan, ano pinaplano mo ha?"

Ngumiti lang ako sakanya ng nakakaloko alam kong natatakot sya pag ganito hahaha takutin ko nga haha.

Tinapos ko na muna ang gawain ko saka ako lumapit, pero dahan dahan lang at nakangiti pa rin sakanya, alam kong creepy na tong ngiti ko dahil minsan ginagamit ko to pag may lumalapit sakin na lalaki at natatakot sila hahahaha.

"Bes? Ayos ka lang? Bakit ganyan mga tinginan mo? Bat ganyan ka makangiti? Nakakatakot ka na bes, tama na. Di magandang biro to."

Lumapit ako sakanya ng dahan dahan. Hahaha habang papalapit ako sakanya, mas lalo syang natatakot at don ako natatawa, konti na lang hahagalpak na ko kakatawa dito.

Hanggang sa nakalapit na ko sakanya at ngumit ako, nag panic sya pero nanatili lang sya don.

"Bes? Di magandang biro to, isa!"

"Ken, gusto ko na tong gawin, matagal na."

Medyo husky at seductive pagkakasabi ko. Kaya napalunok sya ng wala sa oras hahaha gusto ko na talaga tumawa promise.

"Ang alin?" Nag aalanganin nyang tanong

Lumapit ako sa tenga nya at...

"Gusto ko na ng Dugo." Boses na parang nahihirapan na basta ganon hahaha

Humarap ako sakanya at yong tingin nya naka poker face hahaha. Pinitik pa ako sa noo.

"Ikaw talaga, puro kalokohan! Umuwi ka na nga."

"Hahhaa biro lang naman e. Ang sakit ng pitik mo bes ha! Haha sge na aalis na ko, bye bes."

Kinuha ko na yong bag ko sa ibabaw ng counter at ngumiti sakanya.

Pagkatalikod ko bigla nya akong tinawag at pagharap ko di ko naman inaasahan na magkalapit na mukha namin. Nagkatitigan kami, di ko alam kung gano katagal yon pero ramdam ko na ang bilis ng tibok ng puso ko. Oo, aaminin ko inlove na ko sa bestfriend ko pero hindi pwede dahil kong kaibigan lang tingin nya sakin.

"Sasha.." "Ken.."

Nagsabay pa kami shit, Galing. Kaya medyo umatras na ko.

"Ahm bakit mo pala ako tinawag?" Tanong ko. Mukhang nag isip pa kaya para di awkward..

"Haha pinag tritripan mo nanaman ako bes, sge na aalis na ko, ingat ka ha?"

Pagtalikod ko,

"Ah bes? Pwede ba kitang ayain after ng class mo bukas?"

Hndi ko alam kung haharap ba ko o hindi, kaya lang baka makita nyang namumula ako, ramdam ko naman yong init sa pisngi ko. Kaya mas mabuti kung di na ko haharap.

"Anong gagawin?"

"Ah kakain sana sa labas?"

Mas lalo na kong namula sa mga pinag sasasabi nya. Shit tama ba tong iniisip ko? Kelangan ko munang magtanong para di ako mag assume.

"Is that a date?"

Matagal bago sya nakasagot, assuming ka talaga sasha malay mo kakain lang naman. Ang tanga mo, dapat di ka na nagtanong baka kung ano isipin nya.

"Y-yes, its a date, kung okay lang sayo?"

Paksh*t!!! Kinikilig ako! Jusq.

"Ah sure. After my class, ahm see you"

Saka ako tumakbo papalabas ng cafe. Pagkalabas ko, don na ko nakahinga ng maluwag. Gusto ko sumigaw at magtatatalon. Kaya lang pinigilan ko nalang baka mapag kamalan pa kong siraulo dito. Kaya paikot ikot na lang ako at sumisigaw pero nakatakip bibig ko.

Bukas aamin na ako kay Ken, aaminin ko na ang aking nararamdaman para sakanya.

Malapit na ako sa sakayan ko nang bigla akong nakaramdam na parang may sumusunod sakin. Nilabas ko agad sa bagpack ko yong flaslight na my kuryente. Napatingin ako sa paligid, mag isa nalang pala ako. Shit. Nakakita agad ako ng jeep na papalapit sakin kaya sumakay na ko agad. Hays buti na lang, nakakatakot hay nako.

Pagkababa ko ng jeep, isang sakay pa ng tricycle para marating ko yong dorm ko. Malapit na sana ako sa sakayan nang biglang may nagtakip sa bibig ko. Nagpupumiglas ako pero mas malakas sya sakin.

Umiiyak na ko, binuhat nya ako papunta sa isang poste na madilim, pero bigla kaming natumba. Biglang may humawak sa wrist ko...

"Sumakay ka na sa kotse ko, wala ka ng masasakyan dyan."

Parang kilala ko sya, kaya sumakay na agad ako. Kahit di ako sigurado, may tiwala naman ako sakanya. Nakita ko binubugbog nya yong lalaki na muntik nang kumuha sakin. Naiiyak ako dahil first time tong mangyari sakin. Bigla akong nakaamoy ng mabangong bulaklak, gusto ko sanang hanapin pero parang di ko kaya dahil inaantok na ko. Napatingin uli ako sa bintana at nakita kong nakabulagta na yong lalaki. Napatingin sakin yong lalalaking tumulong sakin. Ngumiti sya, kahit madilim alam ko na kilala ko sya at di ako maaaring magkamali, papalapit na sana sya pero bigla na lang akong nakatulog.

Kamusta naman gawa ko? Hahah dont forget to vote guys. Lovelots💕

My Pscyho LoverWhere stories live. Discover now