Chapter TEN

19 0 0
                                    

Simula ngayon Pov ni Sasha ang mababasa nyo. Matagal pa bago ako magdagdag ng panibagong Pov.
Enjoy ;)
--------------------

Sasha Pov

Andito kami ngayon sa dinning room, kasalukuyang kumakain ng lunch. Maya maya din ay aalis na rin si Trevor para pumasok daw sa trabaho. Hindi kami umiimik at bago yon ah, dahil di nya ako tinatanong. Nahiya ata kagabi tsk, aba dapat lang napaka manyak na no!

"Sir, pinapatawag na kayo ng secretary nyo."

Nagulat naman ako sa pag sulpot ni Knox dito. Nasa likod ko sya kaya nilingon ko sya at kita ko sa mukha nya ang mga pasa na ginawa ni Trevor kahapon sakanya. Ngumiti ako sakanya nong mapagawi ang tingin nya sakin, pero wala syang respond sa ngiti ko, tumingin uli sya kay Trevor kaya pinagpatuloy ko na lang uli yong pagkain ko.

"Alam mo bang kabastusan ang ginawa mo? Nasa kalagitnaan kaming kumakain."

Malalim na sabi nya, nakakatakot sya dahil alam kong galit nanaman sya kaya nag hahanda na ko at baka ano nanaman ang gawin nya kay Knox.

"Paumanhin Sir pero emergency daw po ito sa kumpanya. Nagwawala daw po siya."

Tumingin ako kay Trevor na ngayon ay natigil sa pagkain nya saka sya tumayo at pinunasan ang kanyang bibig. Naglakad na sya papalapit kay Knox, teka galit ba sya? Galit nanaman ba sya kay Knox?

"Ihanda mo ang kotse at susunod ako, kunin mo na rin yong case ko sa office at ilagay sa kotse."

"Opo sir." Narinig ko ang paghakbang ni Knox sa labas.

"Aalis na ko, pasensya na at napa aga ang pag alis ko hayaan mo at aagahan ko ang pag uwi mamaya." Nagulat naman ako dahil nasa gilid ko na pala sya, nakaluhod.

"Ayos lang yon, kahit late ka pa umuwi." Nagtaka naman ako nong tumawa sya.

"Halata na ayaw mo talaga na magkasama tayo sweetheart."

"Ah eh? Hindi naman hehehe alam ko namang marami kang trabaho. Mag iingat ka, saka pagbutihin mo ang pag tratrabaho." Pinilit ko na lang ngumiti kaya napangiti sya sakin.

Tumayo na sya at nagtungo sa pintuan. Hindi ko sya sinundan ng tingin at binalingan ko yong pagkain ko. Bago sya humakbang papalabas ay nagbitaw sya ng salita na nagpatigil sakin sa pagkain.

"Wag kang ngumiti kung pilit naman, hindi ko gusto ang ngiti mo Sweetheart. Sabi ko sayo na matagal na kitang sinusubaybayan kaya alam ko na ang totoong ngiti mo at sa pinakita mo ay hindi yon ang ngiti na gusto kong makita."

At humakbang na sya papalabas ng dining area. Yong puso ko parang na 'heart skip a beat' ata yon? Basta parang iba yong pag tibok at alam kong takot yong naramdaman ko. Kinakabahan dahil baka mag gawin sya sakin mamayang pag uwi nya.

--------------
"Hindi kasi kayo nakapag paalam kay Sir na lumabas kahit sa green house"

Nababagot na ko dito sa kwarto ko dahil di ako nakapag paalam kay Trevor na lalabas o mag stroll dito sa mansion. Hays kahit manuod ng tv hindi pwede kainis!

"Wala ka bang alam na pwedeng laruin dyan?" Tanong ko

"Wala po maam e."

My Pscyho LoverWhere stories live. Discover now