Chapter NINE

14 0 0
                                    

Sasha Pov

"Isa syang Pyscho."

"What?! Psycho? You mean Psychopath?"

"Oo."

Napa upo naman ako at humigop ng juice. Hindi ko keri mga nangyayari sa paligid ko. Psycho? Diba delikado yon? Akala ko stalker ko lang sya, yon pala may iba pa syang pag uugali.

"Pano mo nalaman to?" Tanong ko.

"Sinabi lang samin ni Manang Nancy. Noong isang taon na kami dito, dahil sa pagiging curious ni Mikaela nagtanong sya kay Manang tungkol kay Sir Trevor.

Nong dumating kami dito, hindi kami pinayagan ni Sir na gumamit ng Tv o kahit anong electronic devices. Pagkatapos ng isang taon ay pinayagan na rin nya kaming gumamit non.

Habang nanunuod kami nakita namin kung gano kasikat si Sir sa bansa natin hanggang sa ibang bansa. Nagulat na lang kami dahil ibang iba ang pagkakakilala nila kay Sir kesa sa pagkakakilala namin sakanya.

Strikto, laging galit, minsan naririnig na lang namin na nag wawala sya sa office nya, minsan napaka moody nya at kung anu ano pang ugali na hindi mo maintindihan na meron sya.

Hindi talaga dito ang bahay nya. May bahay sya malayo na rin dito yon. Don kami nakatira dati at masasabi ko na mas malaki yon kesa dito. Yong bahay nyang yon mala palasyo, daming gustong bumili ng lupa at bahay nya pero lahat ng yon ay nireject nya.

Mabait sya pag may mga bumibisita sakanya, masasabi mo talagang ibang iba sya pag iba ang kaharap nyang mga tao. Sa totoo lang, sa tagal ko na dito ngayon ko lang nakita na ganyan si Sir, i mean yong ginagawa nya sayo. Nakakatakot sya lalo dahil sa ginawa nya sayo." Paliwanag nya

"Sa tingin mo ba ay alam ni manang kung ano ang nakaraan ni Trevor?"

Curious kasi ako sa matandang yon mukhang marami syang nalalaman at sya lang ang makakasagot sa mga katanungan ko.

"Mukhang oo? Basta pag dating namin sa mansion ni Sir si manang ang nag alaga samin at nagturo ng lahat. Mukhang matagal na rin sya kay Sir, basta ang sabi lang nya ay wag naming galitin si Sir dahil mapanganib to pag nagalit sya, tinanong namin kung bakit basta ang sabi nya isa syang Psycho."

"Mukhang may alam sya. At sigurado ako na matutulungan nya akong makaalis dito."

"Mahirap yon dahil ni minsan hindi ko pa nakita si Manang na lumapit sayo, hindi ba?"

"Oo pero kaila-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may biglang nag salita sa likod ko. Napalingon ako at nagulat ako dahil...

"Michelle, pinapatawag ka ni Sir Trevor." Sabi nong lalaking nasa pintuan ng green house.

"Ah sige. (Yuko sakin) aalis po muna ako maam babalik ako agad"

Dali daling umalis naman si Michelle at naiwan kami nong lalaki dito, lumapit sya sakin kaya medyo mabilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ko? Bakit?

"Ako po muna ang titingin sainyo dito."

Hindi ko pa rin sya tinitignan dahil nakakatunaw mga tingin nya. Oo may hitsura, may balbas at bigote sya sa buong baba nya hanggang jaw nya. Mas hot syang tignan lalo na yong jaw nya, yong tindig nya napaka lakas ng appeal. 6 footer pa ata to? Ang tangkad nya at napaka pormal pang manamit. Tuxedo? My ghad!Kakaiba tong lalaking to, teka ngayon ko lang sya nakita.

"May problema po ba Maam?"

Shit! Nakatitig na pala ako sakanya dahil sa pag uusisa ko sakanya. Nakakahiya.

My Pscyho LoverWhere stories live. Discover now