Chapter TWO

34 0 0
                                    

Sasha Evangelista in the picture

***

Nakaka amoy ako ng bulaklak...

Anong bulaklak nga pala uli non?

Rose?

Nah.

Carnation?

Yah, its carnation. Hmmm ang bango bango talaga. Dagdag mo pa tong malambot na kama at unan. Hays ang sarap sarap matulog talaga. Katamtaman pa ang ang lamig, hay nako heaven naman talaga😍. Pag mulat ko...

Shit! Nasan ako?

Napabangon ako, at nakita ko ang kabuuan ng kwarto. Malaki, maaliwalas, maputi sobrang puti. Sa sobrang puti nakakahiyang magkalat dito. Pader, kisame, kama, curtains, closet at sahig ay puti. Black naman ang mga unan, tables, sofa, chair at iba pang palamuti dito. Kaya napapalibutan ako ng mga itim at puti dito. Ganito ang gusto kong kwarto, panaginip ba to? Nagtaka ako dahil feeling ko iba yong pakiramdam ko sa katawan. Napatingin ako sa katawan ko at..

Holy crap! What im wearing?

Napatingin ako sa pinto dahil narinig kong gumalaw yong doorknob. Hinintay ko kung sino papasok at nakahinga naman akong maluwag nang makita kong isang matandang babae na mukhang maid dahil sa kanyang suot.

"Magandang umaga Maam Sasha, kamusta po ang iyong tulog?"

"Ma-aayos naman-"

"Kung ganon, pinapasabi po ni sir na mag ayos na kayo at malapit ng ihain ang inyong almusal."

"Ha? Teka lang--" di ko pa nanatapos ang sasabihin ko nang bigla nanaman syang nag salita.

"Nasa kanang pinto po ay ang cr, andyan na po ang lahat ng ka-kailanganin ng isang dalaga."

Binuksan nya, kaya sumunod naman ako sakanya. Nalula ako ng makita kong ang laki ng cr.

Cr ba to? Mas malaki pa to sa dorm ko to e.

"Dito sa kaliwa, ang closet nyo."

Nang binuksan nya ang closet.

Damn! Its a walking closet!

Ang laking closet, binuksan nya ang mga glass doors nang ibat ibang damit, sapatos at palamuti sa katawan. Mas lalo akong nalula dito ang daming ibat ibang damit! Sapatos na flats, with heels, rubber shoes at kung anu ano pa. Jewelries, watchies at ibat iba pang mga gamit. Grabe, ngayon lang ako nakakita nito. Nakakakita ako nito sa tv and movies.

"Kung may kailangan kayo, pindutin nyo lang po ang button sa tabi ng pinto nyo. Kung wala na rin po kayong katanungan, aalis na po ako."

Dahil busy ako sa kakatingin dito sa walking closet, napatango na lang ako.

Grabe ang laki naman kasi talaga nito, gusto kong sukatin lahat. Parang nakita ko na nga tong mga damit na nandito, pati tong mga sapatos na limited edition pa ang iba. Yong mga relo? Parang nakita ko na rin to, pati yong mga kwintas, singsing at bracelets. Nakita ko na talaga to e. Hindi lang basta basta nakita ko to parang natitigan ko na ang mga to somewhere.

"Ah manang? Sino po pala-"

Di ko na natapos dahil wala na pala akong kasama dito. Lumabas na ko para hanapin ang maid pero naalala ko na nag paalam na pala sya. Hays tanga mo naman Sasha at nakalimutan mong tanungin kung sino yong amo nya.

Great Sasha! Great!


Third Person POV

"Tapos ko ng sinabi sakanya hijo"

"Good"

Napangisi ang lalaki habang umiinom ng kape. Tinitigan nyang mabuti ang nag iisang monitor sa kanyang harap. Mas lalong lumawak ang ngiti nito nang makitang nagpapagulong gulong ang dalaga sa kanyang kama.

Ang cute mo talaga Sasha.

"Nakahanda na ba ang almusal namin? Siguraduhin nyo lang na hindi pa malamig yong mga yon."

"Oo hijo"

"Mabuti, mamaya ay aalis din ako agad. At may gagawin pa ko, ikaw na ang bahala sakanya at ipaliwanag mo sakanya ang lahat."

"Hijo, sigurado ka na ba sa iyonf desisyon tungkol sakanya? Pwede mo naman syang kausapin hindi yong ganito."

"Hinihingi ko ba opinyon mo?"

Nagulat ang matanda sa inasal nang kanyang alaga. Lalo na't tumingin ito sakanya na nakangisi. Nakakatakot, nakakatindig balahibo, nakakalambot ng tuhod. Kaya hinawakan nya ang kanyang damit upang mawala ang kanyang takot

"Patawad hijo, kung wala ka ng kailangan ay aalis na ko"

Imbis na sumagot ang binata, tinitigan na lang nya ang monitor upang makita ang dalaga. Nakita nyang papasok na ito sa cr. Inubos na lang nya ang kape dahil wala ng cctv sa cr at walking closet dahil na rin sa hiling ng matandang si Manang Nancy na syang nakausap nya kani kanina lamang.

Mag hintay ka lang aking mahal, magkikita na rin tayo. At sisiguraduhin kong mapapasaakin ka na ng tuluyan. Ngayon nandito ka na sa aking piling hinding hindi na tayo magkakalayo. Kung may humadlang man, mapapatay ko ito. Handa kong pumatay ng tao para sayo aking MAHAL NA SASHA..



HI guys, thank you sa pagbabasa. Dont forget to vote. Lovelots muah!

My Pscyho LoverWhere stories live. Discover now