Hello, Stranger

4K 52 10
                                    

Ano kaya kung ang mga ito ang tanong sa mga kandidata ng Miss Universe:

- Sino ka at Bakit ka nabubuhay sa mundo?

- Saan patungo ang buhay mo?

- Kung wala kang problema sa pera o sa pag-ibig, paano mo nakikita ang sarili mo sa araw -araw?

Bukod sa paghanap ng value of x  o pag solve ng iba pang equation sa algebra at calculus, ay may mga tanong sa buhay na talaga namang nakakaloka. =___=

Nasa 2nd year high school ako noon at kagaya ng mga schoolmates ko,  marami rin akong pangarap na mangyari sa buhay ko. Isa akong pangkaraniwang studyante sa isang public school na malapit lang sa bahay namin. At gaya ng karamihan, madalas nakikisabay lang ako sa kung anong uso. Hindi kami mayaman pero kahit papano nagagawan ng paraan. Masaya pagkasama ko ang mga classmates ko. Maglalaro kame, maglalakwatsa, makikipag-away at kung anu ano pang kalokohan. Pero feeling ko (feeling ko lang naman) among my friends, ako yung nakakaalala sa Diyos pag may exam na. Pero ang talagang palagi kong naaala noon ay ang crush ko. Sya ang nagpapasaya sa akin at nakakalimutan ko ang problema sa bahay pag nakikita ko na sya. May mga time kasi na sa sobrang stress ko sa family ay nagagalit ako sa Diyos na ni hindi ko naman kilala. Sa galit ko, nagmumura ako pero hindi ko 'yon pinaparinig sa parents ko (naniniwala sila na ako ang mabait nilang anak). At pag nagkakaron kami ng awayan ng kapatid ko, gaganti ako sakanya sa mga paraan na talagang magagalit sya. Sampol: sisirain ko yung bagay na mahalaga sa kanya or itatago ko para 'dina nya makita. Evill sister!! Pero syempre wala namang ibang pagbibintangan kundi ako, dalawa lang naman kaming magkapatid e.!! >___< Ganun ako, palaging humahanap ng paraan para makaganti.

Naaalala ko na palagi ako noong isinasama ng tiyahin ko sa kanilang church. At dahil wala naman akong choice dahil "tita ko sya" ay palagi nga akong napapasama sa kanya. Hindi ko maintindihan noon ang mga nakikita ko sa church nila. Nakakawindang ang mga happenings: may lumuluha habang kumakanta pero nakangiti naman; Maraming nagtataas ng kamay pero hindi naman mukang nanghihingi; may nagsasalita ng iba't ibang language, may sumasayaw at may tumatalon na parang galak na galak? Natatakot din ako sa pastor nila dahil mukang namamamalo ng bata. Matanda na sya pero pag nagsasalita na sya, nararamdaman kong may authority ang binibitiwan nyang salita at napipilitan akong makinig. Pinaniniwalaan nilang Si Jesus Christ ay Panginoon at tagapagligtas ngunit para sa akin, isa syang estranghero.

Hindi ko alam kung kailan at papaano ako natutong makinig at magbasa ng Salita ng Diyos, pero mula doon ay namalayan ko na lang na unti-unti na palang nagkakaron ng pagbabago sa loob ko. Unti-uniti ay nagkakaroon ng puwang sa puso ko ang estranghero, at unti-unti ay nakikilala ko na ang estranghero. Hanggang sa dumating ang araw ng lingo na hindi na ako kailangang pilitin o sunduin pa ng tita ko - kusa na akong pumupunta sa church. Siguro ang tanong ninyo ay BAKIT?? Or PAANO NAMAN NANGYARI YUN?? Hindi ko rin masabi kung bakit o paano. God works in mysterious ways.

The wind blows wherever it pleases. You hear its sound, but you cannot tell where it comes from or where it is going. So it is with everyone born of the Spirit." John. 3:8

Basta ang nakita ko nalang at nakita din ng pamilya ko na may nagbago sa akin... sa puso ko at sa pagkatao ko mula nang nanalig ako sa pangalang "Jesus Christ" bilang aking Panginoon at Tagapaglitas. Nagkaroon ako ng panibagong sigla at pag-asa na harapin ang bawat araw. May peace and joy kahit sa gitna ng mga mahihirap na sitwasyon. Nabago rin yung mga masasama kong ugali gaya ng pagmumura at paghihiganti. Alam ko rin na hindi pa tapos ang Panginoon sa akin, alam kong patuloy nya pa akong binabago sa mga masasamang ugali ko at patuloy pa syang magpapakilala sa akin bilang aking Diyos. Dahil sa Kanya, nagkaroon ng malalim na kahulugan ang buhay ko. Nakita ko na may saysay kahit maliliit na bagay o pangyayari sa paligid ko, knowing that He loves me and He is in control. Dahil sa Kanya, naging madali para sa akin na sagutin ang mga tanong ng buhay.

It is true that life without God is meaningless.

Bagay Ka sa LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon