Never Neglect the Basics

1K 15 4
                                    

                Naalala ko pa ang itinuro sa akin ng mentor ko noon.  Ang sabi nya, huwag ko raw pabayaan ang basic:  Bible reading and Prayer.  Now that I am much older, I can say that she is absolutely right!  Nakikilala natin ng lubusan ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.  Nakikipag-usap Sya sa atin sa pamamagitan din ng Kanyang Salita.  Ganun din sa panalangin, nakikilala natin Sya at nakakausap, in short, communication.  Ang pakikipag-ugnay natin sa Diyos ang “vital communication” sa buhay natin araw-araw.  Natutunan ko na kailangan ng personal commitment para makapag bigay ako ng oras sa daily prayer at Bible reading for me to stay connected to God. 

                Mabuti na sundan din natin ang salitang GROWTH naka acrostic sa ibaba para sa ating paglago:

G – Go to God in Prayer daily

R – Read God’s Word daily

O – Obey God moment by moment

W – Witness for Christ by your life and works

T – Trust God for every detail of your life

H – Holy Spirit, let God control and give power to your daily life

Source: Power for living by Jamie Buckingham 1988

Go to God in Prayer Daily

               

                This is our life line to God. Kung magko-comit ka sa pananalangin araw-araw, ikaw ay lalago.  Ang panalangin ay napakagandang privilege para makausap natin ang ating Ama sa langit.  Hindi natin kailangang gumamit ng mga pormal na salita sa ating panalangin.  Kailangan lang na magmula ito sa ating puso, kapag ganun magiging sing dali lang ito ng paghinga – simple at natural.  Yes, simple at natural ito dahil mga simpleng salita na nagmula sa iyong puso ang gagamitin mo dito at hindi mo kailangang magrecite ng paulit-ulit ng mga memorize na salita gaya ng ginagawa ng iba. 

"And when you pray, do not keep on babbling like pagans, for they think they will be heard because of their many words. Do not be like them, for your Father knows what you need before you ask him. " Mt. 6:7-8

                Nais ng Diyos na kausapin natin sya.  Yung natural na pakikipag-usap ng isang anak sa kanyang Ama.  Nakakatuwang pakinggan ang panalangin ng mga bata, matututo tayo sa simplicity ng kanilang prayer.  Narito ang ilan sa mga halimbawa:

“Lord, siguro po nahihirapan ka na mahalin lahat ng tao. Ako nga po apat lang kami sa bahay pero hindi ko po yun magawa.”

“Jesus, thank you po sa baby brother ko, pero puppy po ang hiningi ko e.”

               

                Kaya nga tinuruan tayo ni Jesus kung paano ang manalangin.  Mababasa natin yan sa Matt. 6:9-13 -  the Model Prayer. 

                "This, then, is how you should pray. . " Mt. 6:9

                Iyon ang pattern na itinuro sa atin ni Jesus.  Naniniwala ako na hindi nya ito pinapa memorize word for word at ito nalang ang ire-recite natin pag magpe-pray. Hindi.  Prayer is our time to communicate with God not a recitation of a memorized words.  Hindi naman ito lang ang mga salita na pwede nating sabihin.  Ipinapakita lang nito na may mga bahagi ang panalangin: Adoration, Confession, Thanks giving, at Suplication.  Hindi lang paghingi ang laman ng ating prayer.  Ito ay binubuo rin ng pagpupuri, pagpapahayag ng ating kasalanan, at pasasalamat. 

Bagay Ka sa LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon