The Garden Thrill

404 7 0
                                    

We are here to be worshippers first and workers second.”  - A.W. Tozer   

                Naniniwala ka ba na lahat tayo ay worshipper?   Christian ka man o hindi (pa), ang worship ay araw-araw mong ginagawa.  Ang worship ay isa sa mga natural activity natin gaya ng paghinga.  At kagaya sa paghinga, ikakamatay natin kung pipigilan tayo sa paggawa nito.  Tignan natin ang katotohanang ito sa original pair na nilikha ng Diyos.  Mag "throwback" muna tayo sa Garden of Eden, nang likhain ng Diyos sina Adam and Eve. 

 

Adam & Eve

Then God said, “Let us make man in our image, in our likeness, and let them rule over the fish of the sea and the birds of the air, over the livestock, over all the earth, and over all the creatures that move along the ground.”  Ge. 1:26 

                Alam natin na sina Adam and Eve ay nilikhang kawangis ng Diyos.  Kabahagi ng God’s image na iyon, ang kamanghamanghang abilidad nila na mag-isip at magdesisyon sa lebel na mas mataas sa anumang nilalang na nalikha.  Dahil din sa  God’s image na taglay nila ay meron silang mataas na kapasidad para sa pakikipagrelasyon – lalo na sa Diyos.  Ang kanilang relasyon sa Diyos ay perpekto.  Sila ay kumpleto, at hindi nagkukulang sa ano pa man.   Sa bawat araw, 24/7 ay nararanasan nila ang perpektong paraiso na ibinigay sa kanila ng Diyos.  Masasabi nating ito ay “heaven on earth” para kina Adam at Eve.  Lahat ay ibinigay sa kanilang pamamahala, lahat ng nilikha ay nasa ilalim nila.   

                Ang lahat ng nilikha ay perpekto.  Pagkatapos likhain, sina adam at Eve ay nanatiling nakahubad.  At wala silang nararamdamang hiya sa isa’t isa.  Hindi nila kinailangan na magsuot ng damit sa isang perpektong environment kung saan ang temperatura sa lahat ng oras ay tamang tama lang para sa katawan ng tao.  Makikita natin dito na ang kawalan nila ng physical clothing ay isang bagay na ang Diyos ang nagdisenyo.  Ang outward picture na ito ay sumasalamin sa inward spiritual and emotional intimacy na meron sila sa isa’t isa at sa Diyos.  Wala silang nararamdamang shame or guilt regarding their nakedness dahil wala itong kahalong kasalanan.  Meron silang total freedom, perfect love & intimacy with God and with each other.  Hindi kinailangan ng Diyos na utusan sina Adam and Eve na mahalin sya o sumamba sila sa Kanya.  Wala silang narining na , “Love the LORD your God..”  Hindi sila kailangang utusan, it came so naturally for them to worship.  Ang capacity nila to love God ay unlimited. 

 

The Fall

                Pero alam natin ang kinahinatnan ng story nila.  Sila ay nadala sa pagkakasala ng kalaban ng Diyos - si satanas.  Nakinig sila sa maling boses.  Natukso silang maniwala sa kasinungalingan ni satanas tungkol sa Diyos.  Si satanas ay former worship leader sa heaven.  Napaalis sya pagkatapos nyang mamuno sa bigong rebelyon laban sa Diyos.  Kaya laban sya sa Diyos at sa lahat ng anak ng Diyos.  Dahil nilikhang kawangis ng Diyos, sina Adam and Eve ay bitter reminder kay satanas ng kanyang dating position at katanyagan.  Nagpapaalala rin sila sa kanyang natanggap na parusa at ang nawala sa kanya dahil sa attempted coup nya laban sa Diyos.  Ang presence nila Adam and Eve sa hardin ang nagpatindi ng hinanakit ni satanas.  Sinamantala nya ang innocence ng dalawa at sila nga ay nagkasala. 

“ Alam nyo we have something in common.  Sinamba ko rin ang Diyos nyo.  Kilala ko sya. Nakilala ko sya nang matagal na matagal nang panahon kaysa sa inyo.  Isa ako sa mga piling nilalang na nakakalapit sa kanya upang makita sya ng personal.  Meron akong easy access sa kanya at higit ang pagkakilala ko sa kanya kaysa sa iba.  Kaya nga disappointed ako nang nakilala ko ang totoong sya.  Hindi pala talaga sya totoong mabuti, sya ay mapanlinlang.  Nakita nyo, hinayaan nya kayong makakita pero bawal ninyong hawakan.  Pwedeng humawak pero bawal tikman.  Pwedeng tikman pero bawal lunukin. Pwedeng lunukin pero bawal mag-enjoy! Hindi talaga sya mabuti!  Ayaw nyang malaman ninyo kung ano ang nalalaman nya.  Kasi pag nalaman ninyo, magiging kapantay nyo na sya.  Insecure sya at selfish.  Higit na meron pa sa buhay kaysa sa inaalok nya.  Merong totong buhay sa labas ng harding ito.  Trust me, I know, I’ve been outside this place and it’s great!  Kaya nga may mga worshippers na rin ako gaya nya.  Gusto nyo bang maging gaya rin ng diyos? Para mas higit pa ang maranasan ninyo kaysa magsilbi sa kanya.  Pwede rin kayong sambahin.  Concern lang naman ako, ayokong makakita ng nasasaktan dahil sa kanya.  Malalaman ninyo sa inyong mga sarili na totoo ang sinasabi ko.  Kunin nyo ang bunga, kainin nyo.  Ang Diyos nyo ay hindi naman talaga karapatdapat sambahin. “         

Bagay Ka sa LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon